MANILA — Sa mainit na sesyon ng Senado noong nakaraang linggo, tumampok si Senador Rodante Marcoleta bilang pangunahing personalidad matapos niyang ipamalas ang kaniyang talino at kahusayan sa batas sa harap ng mga kapwa senador, kabilang sina Senate Minority Leader Tito Sotto at Senadora Risa Hontiveros.
Bilang isang beteranong litigation lawyer, ipinakita ni Marcoleta ang matibay na pundasyon ng kaniyang argumento para ibasura ang impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Binanggit niya ang naging pasya ng Korte Suprema na nagsasabing labag sa Konstitusyon at walang bisa mula sa simula ang reklamo, na nagresulta sa kawalan ng hurisdiksiyon ng Senado sa kaso.
Sa naging sagutan kontra kay Hontiveros, pinaninindigan ni Marcoleta na hindi hula ang kaniyang posisyon kundi bunga ng malalim na karanasan sa paghawak ng mga kaso matapos iprisinta ni Hontiveros ang ilang halimbawa kung saan binago ng Korte Suprema ang mga naunang desisyon.
Samantala, sa naging palitan naman ng diskusyon nito kay Sotto, tinutulan ni Marcoleta ang mungkahing ipagpaliban ang deliberasyon sa kaniyang motion to dismiss. Nang gumamit si Sotto ng metaporang “Ang tumatakbong matulin, kung matinik ay malalim” upang ilarawan ang posibleng panganib ng pagmamadali sa pagbasura ng impeachment ni VP Sara.
Mabilis namang sinagot ngunit malaman ito ni Sen. Marcoleta.
“Kapag tayo po nananakbo, ako po ay nakasapatos at saka sa kalsada, kaya di po ako matitinik” pilosopong sagot nito at sinasabing siya ay handa, may kaalaman, kakayahan, maingat, napag-aralan at nakabase sa batas ang tungkol sa kaniyang panawagang ibasura upang impeachment ng ikalawang pangulo. Kaya`t para kay Sen. Marcoleta sapat na ang basehan upang ibasura ang kaso.
S a kabuuan, naipakita sa sesyon kung paano nagamit ni Marcoleta ang kaniyang kasanayan sa batas upang magpatibay ng argumento, magsuri ng probisyon ng Konstitusyon, at humarap sa matinding interpelasyon nang may kumpiyansa at malinaw na direksiyon. Para sa ilan, ito ay naging isang “master class” sa Senate floor kung paano depensahan ang isang posisyon gamit ang batas at matibay na lohika. (Latigo Reportorial Team)




