MARALITA AT MAGSASAKA, BIDA SA MGA PANUKALA NI CONG HENRY MARCOLETA

MANILA — Isang makabuluhang hakbang para sa kapakanan ng maralitang Pilipino ang isinulong ni SAGIP Party-List Representative Paolo Henry Marcoleta matapos niyang matagumpay na maihain ang unang sampung (10) panukalang batas para sa ika-20 Kongreso.

Layunin ng mga panukalang ito na pagaanin ang pasanin sa araw-araw ng mga mamamayang pinakaapektado ng krisis sa ekonomiya — ang mga maralita, magsasaka, at karaniwang konsyumer.

Isa sa pinakapinuri ay ang “Mas Murang Kuryente Act,” na naglalayong gawing VAT-exempt ang singil sa kuryente. Sa ganitong paraan, inaasahang bababa ang bayarin sa kuryente ng bawat tahanan — isang malaking ginhawa para sa mga kababayan nating halos kalahati ng kita ay napupunta sa bayarin.

Kasama rin sa kanyang mga panukala ang “Libreng Laban Para sa Tahanan Act,” na nagbibigay proteksyon sa mga maralitang panlungsod laban sa biglaang pagpapaalis sa kanilang mga tirahan. Ayon kay Marcoleta, karapatan ng bawat Pilipino ang magkaroon ng panatag at ligtas na tirahan, lalo na sa gitna ng krisis.

Hindi rin nalimutan ng kongresista ang sektor ng agrikultura. Sa ilalim ng “National Fertilizer and Pesticide Subsidy for Farmers Act,” layon nitong tulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng pataba at pestisidyo — mga pangunahing pangangailangan sa produksyon ng pagkain.

Ayon sa kanyang opisina, katuwang nila sa pagsusulong ng mga panukalang ito si Senador Rodante Marcoleta, na naghain ng mga kaukulang counterpart bills sa Senado.

Samantala, matagumpay ring natapos ni Rep. Marcoleta ang Executive Course on Legislation para sa mga bagong kasapi ng House of Representatives. Nagpasalamat siya sa pamunuan ng Kamara, sa Secretariat, at sa University of the Philippines–National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) para sa makabuluhang karanasang ito.

Sa tulong ng mga ganitong hakbang, umaasa ang SAGIP Party-List na hindi lang makakabangon ang mga kababayan nating lugmok sa hirap, kundi mabibigyan din sila ng pag-asang muling manumbalik ang dignidad sa kanilang pamumuhay. (Latigo Reportorial Team)

LATIGO HANDANG MAGLINGKOD FOUNDATION

BAGONG YUGTO NG BULACAN, PORMAL NANG BINUKSAN

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"