MAPALAD ANG BANSA NA ANG DIYOS ANG PANGINOON.” – AWIT 33:12

Sa panahon kung saan tila walang katapusan ang usapin ng kaguluhan, katiwalian, at kahirapan, madali para sa karaniwang Pilipino na mawalan ng pag-asa. Araw-araw, may balita ng proyekto’t pondong napupunta sa wala, may pamilyang nahihirapan kung paano itatawid ang kinabukasan. Gayunman, paalala ng Salita ng Diyos: ang pagpapala at kaayusan ng isang bayan ay nagsisimula sa pagkilala sa Kanya bilang tunay na Panginoon.

Hindi kailanman nagkukulang ang Diyos sa Kanyang pangako. Kapag ang bansa’y kumikiling sa katuwiran at tapat na pamamahala, may pag-asa ang bawat pamilya, may direksiyon ang bawat komunidad. Ang panalangin para sa bayan ay hindi lamang tradisyon tuwing may sakuna; ito’y dapat araw-araw na gawi ng bawat mamamayan na nananalig na kayang baguhin ng Diyos ang puso ng pinuno at mamamayan.

Ang ating dalangin ay higit pa sa simpleng kahilingan—ito’y pagkilala na wala nang higit pang makapangyarihan kaysa sa Diyos upang magdala ng tunay na pagbabago. Sa bawat panalangin para sa mga opisyal ng pamahalaan, para sa kabataan, para sa mga pamilyang nagsusumikap mabuhay nang marangal, ipinapakita natin ang pananampalataya na may liwanag pa sa kabila ng dilim.

Panalangin:

Panginoon, itinataas namin sa Iyo ang aming bansa. Gabayan Mo ang aming mga pinuno upang maglingkod nang may katapatan, malasakit, at takot sa Iyo. Ituwid Mo ang anumang sistema ng katiwalian at palitan ito ng katarungan at katapatan. Ipagkaloob Mo sa aming mamamayan ang puso ng pagkakaisa at disiplina. Ibalik Mo sa amin ang pag-ibig sa bayan at ang pagkilala na Ikaw lamang ang makapagbibigay ng tunay na kapayapaan at kaayusan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.”

Hamon sa Mambabasa:

Simulan ang linggong ito sa pamamagitan ng taimtim na panalangin para sa iyong barangay, lungsod, at buong bansa. Tukuyin ang tatlong tiyak na bagay na ipagdarasal mo—kapayapaan, matapat na liderato, at kabuhayan—at panatilihing laman ng iyong mga panalangin sa bawat araw ng linggo.

Kung mag-uugat sa panalangin ang ating mga kilos, at hahayaan nating ang Diyos ang manguna, may pag-asang ang kaayusan at katarungan ay hindi na mananatiling pangarap kundi magiging realidad para sa sambayanang Pilipino. (DJ Gealone)

Spread the love

45 NA KADIWA NG PANGULO STORES, BUBUKSAN NG PHLPOST

PASAWAY NA DRIVER ‘HINDI SAKOP NG ZERO BALANCE BILLING – DOH

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"