MANDATO NG NFA MAGANDANG BALITA PARA SA MGA MAGSASAKA AT CONSUMERS.

KABAYAN good news sa mga magsasaka sakaling maibalik na sa National Food Authority (NFA) ang regulatory mandate nito na direktang magbenta ng bigas sa mga pamilihang lungsod at bayan.

May itatakda na kasi na floor price sa palay sakaling maibalik sa NFA ang regulatory power nito.

Pursigido ang NFA na maisulong sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang maibalik ang kanilang regulatory mandate at market intervention functions.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, kailangang magtakda ang pamahalaan ng floor price dahil na rin sa mababang kuha ng mga negosyante sa kada kilo ng palay.

Aniyang hindi malu­lugi ang mga magsasaka kapag naibalik sa kanila ang kapangyarihang mag-regulate sa pagbili at pagbebenta ng bigas.

Sa kasalukuyan,kasi bumibili ang NFA ng malinis at tuyong palay sa halagang P23 hanggang P30 kada kilo, habang ang sariwa at basang palay ay nasa P17 hanggang P23 kada kilo.

***

Turn-Over ng bagong PNP Provincial Director ng Bulacan.

Nito lamang nakaraang linggo, isinagawa hapon Hunyo 27 2025 ang formal turn-over sa bago at incoming Acting PNP Provincial Director si PCol.Angel L Garcillano na miyembro ng PNPA Kabalikat Class of 1998, panalitan nya si Outgoing OIC PNP Provincial Dir. PCol. Franklin P. Estoro na PNPA Class of 2002.

Pinangunahan ni PRO3 Dir. BGen.Ponce Rogelio I Peñones Jr. ang turn -over sa Covered Court ng Camp Gen.Alejo Santos sa Malolos City, na sinaksihan ng mga miyembro ng Kabalikat Class of 1998, at nang kanyang mga kaibigan mula sa National Capital Region Police Office(NCRPO).

Sundin lamang ang tagubilin ni PNP Chief Gen.Nick Torre-lll, ang 3 pillars.

Swift response, moral and Welfare of PNP Personnel, and Accountability through modernization.

Dagdag pa ni BGen. Peñones Jr. sa mga chief of Police na dapat ipatupad ang crime prevention and Crime solution sa buong Central Luzon.

Sinabi naman ni Acting Bulacan PNP Provincial Director, PCol. Garcillano, sa mga chief of police na tuloy-tuloy na pagtatrabaho,at iwasan ang mga maling gawain upang magkaroon ng mapayapang kumunidad.

Nais rin nyang paigtingin ang Community Defense System, at kailangang di ang mas malalim na ugnayan ng bawat local government units para sa mas matatagna bagong pilipinas.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

Spread the love

ONLINE SUGAL, YARI KAY SEN. GATCHALIAN! GCASH PAGBAWALAN DIN SANA SA PAGKONSINTE SA MGA SUGALANG ITO!

PAGKILALA, AT PAGMAMALASAKIT SA LGBTQIA+

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"