Sa layuning maisakatuparan ang adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas, muling pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kanilang buong suporta sa pagbubuo ng isang mas matatag, disiplinado, at service-oriented na hanay ng kapulisan.
Kasabay nito, inanunsyo ng PNP ang pagbubukas ng recruitment para sa mahigit 6,500 bagong pulis upang mapunan ang attrition quota para sa taong ito.
Ayon kay PLTGEN Nartatez, ang proseso ng pagkuha ng mga bagong miyembro ay nakabatay sa integridad, transparency, at meritocracy — upang masiguro na tanging mga kwalipikado, may malasakit, at handang maglingkod nang tapat sa bayan ang makapapasok sa organisasyon.
“Under my watch, we will make sure that every new member of the PNP will be properly mentored and molded into the kind of police officer that the Filipino people deserve— serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” ani Nartatez.
Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng PNP Focus Agenda sa ilalim ng pillar of Management of Resources, na layuning mapahusay ang paggamit ng mga tao, kagamitan, at pondo upang makamit ang kahusayan sa operasyon at pamamahala ng organisasyon.
Binigyang-diin pa ni Nartatez na ang pagiging pulis ay hindi lamang nasusukat sa lakas ng katawan, kundi higit sa lahat, sa tamang asal, disiplina, at pag-iisip.
“It is not enough that you are physically fit; you must also possess the right skills, be proficient, and mentally ready to handle the challenges of police work. The badge you wear is a symbol of service and integrity, not power,” dagdag pa ng Acting Chief PNP.
Batay sa datos noong Setyembre 30, 2025, may kabuuang 230,560 na personnel ang PNP — binubuo ng 17,676 Police Commissioned Officers, 199,559 Police Non-Commissioned Officers, 12,232 Non-Uniformed Personnel, at 1,093 cadets na kasalukuyang nakatalaga sa iba’t ibang yunit ng organisasyon.
Ipinagmamalaki rin ng PNP ang kanilang mga Tactical Officers at Field Training Officers na siyang magsasanay at gagabay sa mga bagong rekrut upang maging mahusay, makatao, at disiplinadong tagapagtaguyod ng batas.
Ayon naman kay PBGen Randulf T. Tuaňo, Chief Public Information Office at PNP Spokesperson, ginagarantiya nilang ang recruitment program ay isinasagawa nang may buong transparency at accountability.
“We are committed to selecting and developing recruits who reflect the ideals of a reformed police service. Under the leadership of Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., we are shaping a new generation of law enforcers who will stand as true partners of the community,” ani Tuaňo.
Sa pamamagitan ng patuloy na hakbang na ito, binibigyang-diin ng PNP na ang recruitment ng mahigit 6,500 bagong tauhan ay hindi lamang simpleng pagpapalakas ng bilang, kundi pagpapalalim ng layunin — isang kongkretong hakbang tungo sa pagtatatag ng isang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas” — serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.(Latigo Reportorial Team)




