LIBRENG KURYENTE IMBIS AYUDA NAIS NI SEN. MARCOLETA

MANILA — Iminungkahi ni Senador Rodante Marcoleta kay Finance Secretary Ralph Recto na gamitin na lamang ang ₱194 bilyong nakalaan para sa ayuda upang ipambayad sa konsumo ng kuryente ng mga Pilipino.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcoleta na mas makabubuting ilaan ang pondo para sagutin ang bayarin sa kuryente ng mga kumukonsumo ng 200 hanggang 234 kilowatt-hours (kWh) bawat buwan kaysa ipamahagi bilang ayuda na kulang umano sa malinaw na datos kung naibibigay nga sa tinatayang 25 hanggang 27 milyong benepisyaryo.

Paliwanag ng senador, tiyak na makikinabang ang publiko kung ang pondo ay diretso nang mapupunta sa kanilang electric bills. Maaari rin umanong makatipid ang pamahalaan ng humigit-kumulang ₱74 bilyon, habang maiiwasan ang posibleng katiwalian sa distribusyon ng ayuda.

Ayon kay Marcoleta, agad na sumang-ayon si Recto sa mungkahi at tiniyak na handa silang itaas ang libreng konsumo ng kuryente kung kinakailangan, upang mas maraming Pilipino ang makinabang dito.

Kung maisasabatas, inaasahang magdudulot ito ng malaking ginhawa para sa milyon-milyong pamilyang patuloy na nakararanas ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo. Mapabababa nito ang buwanang gastusin, lalo na para sa mga nasa mababang hanggang katamtamang kita, at magbibigay ng dagdag na pondo para sa iba pang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, at kalusugan.

A ng mungkahing ito ay kaakibat ng isinusulong ni Marcoleta na panukalang batas para gawing mas abot-kaya ang kuryente sa bansa. Aniya, mahalagang matiyak na ang mga pondo ng pamahalaan ay may tiyak na direksyon at direktang nararamdaman ng taumbayan. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

BULACAN, TARGET NA MAGING “GATEWAY TO THE WORLD”

MGA SAKLAAN SA CAVITE, LUMALAKAS! PD AT MGA COP, NADADAWIT SA PAYOLA?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"