LAGANAP NA ILLEGAL GAMBLING SA LAGUNA, PROTEKTADO NI GOV. HERNANDEZ AT PCOL DALMACIA?

LAGUNA — Matagal nang isyu sa buong Lalawigan ng Laguna ang talamak na operasyon ng mga ilegal na pasugalan sa iba’t ibang bayan ng nasabing lalawigan. Sa kabila ng presensya ng mga otoridad, tila malayang nakakakilos ang mga gambling operators na nasa likod ng mga pasugalan na ito.
Ayon sa ating source, tila walang takot at harimunan ang mga iligalista sa pagkalat ng kanilang mga operasyon sa buong probinsya.
Kasabay nito, lumalabas din umano ang pangalan ng isang kolektor na si ALYAS “SARHENTO” na walang alinlangang nangongolekta para sa kanyang “amo” diumano na si PCOL Ricardo Dalmacia.
Pinagmumulan pa raw ng pandaraya ang mga lugar kung saan malakas ang operasyon ng sugal, partikular na sa mga peryahan na may Color Game at Dropball. Ayon sa mga residente, madalas ay may daya ang mga ito at tila may basbas o proteksyon mula sa ilang miyembro ng kapulisan.
Dahil sa sistemang ito, lalo lamang nahihirapan ang mga mamamayan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Sa halip na matulungan, sila pa ang naiimpluwensyahan ng kulturang “easy money” na dulot ng pagsusugal.
Ayon sa mga ulat, may mga operator na umano’y regular na nagbibigay ng payola sa mga tauhan ng kapulisan sa probinsya. Kaya’t kahit gaano kalaki ang hinihinging “goodwill” ay kayang ibigay ng mga operator upang mapanatiling bukas ang kanilang pasugalan.
Kabilang sa mga kilalang pangalan ng perya operators sa Laguna ay sina Baby P, Nesty, Junel, Ome, Romel at Juday. Sila ay sinasabing may aktibong operasyon sa mga bayan ng Siniloan, Pagsanjan, Sta. Rosa, Sta. Cruz at Calamba, at tila hindi ginagalaw ng mga otoridad.
Lantaran na ang mga operasyon at tinatangkilik pa ng ilang mamamayan. Ngunit marami ang nagtatanong kung bakit tila walang ginagawa si Governor Ramil Hernandez upang masugpo ang ganitong sitwasyon.
May mga alegasyon na bukod sa PD, ang tanggapan din daw ni Gov. Hernandez ay tumatanggap ng payola diumano mula sa mga operator. Dahil dito, nawawalan na ng tiwala ang mga residente sa kanilang lokal na pamahalaan.
Nananawagan ang publiko kina Gov. Ramil Hernandez at PCOL ­Ricardo Dalmacia na aksyunan at supilin ang mga iligal na aktibidad na ito sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa mga residente: “Kailan pa kikilos ang pamahalaan? Hanggang kailan kami magtitiis sa sistemang ito?”
Aabangan ng mamamayan ng Laguna ang magiging tugon at aksyon ng mga kinauukulan. KILOS po! (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PD PCOL MALINAO JR AT CIDG PLTCOL JAKE BARILA, TAHIMIK SA PAG-ARANGKADA NG ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS

ALYAS BRENDON DELA ROSA, KINAKALADKAD ANG PANGALAN NI PCOL GUZMAN SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA