LABAN KONTRA DROGA SA ILALIM NI MARCOS, PATULOY ANG TAGUMPAY

MANILA — Sa patuloy na kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umabot na sa mahigit PHP60.13 bilyon ang halaga ng iligal na drogang nakumpiska mula Hulyo 2022 hanggang Abril ngayong taon, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kung iisa-isahin, kasama sa mga nakumpiska ang 7,782.26 kilo ng shabu, 89.32 kilo ng cocaine, mahigit 136,000 ecstasy tablets, at halos 7,348 kilo ng marijuana. Aba, kung iisipin, napakalaking tagumpay ito pagdating sa pagbawas ng ilegal na droga sa bansa!
Hindi lang yan — ayon pa sa PDEA, nagsagawa sila ng mahigit 107,000 operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Resulta? 145,064 drug suspects ang naaresto, at sa bilang na ‘yan, 9,283 ay tinuturing na high-value targets. Ibig sabihin, hindi basta-basta ang mga ito—malalaking isda ika nga.
Bukod pa riyan, 1,439 drug dens at apat na shabu laboratories ang nawasak. Dito pa lang, makikita nang seryoso ang kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Sa barangay level naman, 29,408 sa 42,000 barangay na ang idineklarang drug-cleared, habang ang natitirang mahigit 6,000 barangay ay nasa proseso na ng paglilinis. Mukhang unti-unti nang nalilinis ang bawat sulok ng bansa sa problema ng droga.
Matatandaang sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ng nakaraang taon, iginiit ni Pangulong Marcos Jr. na magpapatuloy ang kampanyang ito nang walang patayan. Hindi umano extermination ang layunin ng kanyang administrasyon, kundi isang makatao at makatarungang paraan ng paglaban sa droga.
Sa nakikita natin ngayon, tila may bunga na ang bagong istilo ng laban kontra droga — mas sistematiko, mas makatao, pero epektibo pa rin.(Mario Batuigas)

Spread the love

SSS OPENS NEW SERVICE OFFICE IN TAYTAY, RIZAL TO IMPROVE ACCESSIBILITY AND SERVICE EFFICIENCY

GRADE 13, FAKE NEWS AYON SA DEPED!