Dahil sa pagbabago ng klima o climate change sa Asia dulot ng ibat-ibang polusyon sa hangin apektado na rin ang Sektor ng Edukasyon dala ng matinding init.
Kaya naman nitong mga nakalipas na linggo, laganap ang kanselasyon ng klase upang iiwas ang mga mag-aaral, guro at maging school worker sa epekto ng nakapapasong init ng panahon.
At upang maiwasan ang madalas na kanselasyon ng mga klase na makakaapekto sa learning capability ng mga mag-aaral, inilatag na ang sistema ng Department of Education para mabawasan ang epekto ng maalinsangang panahon.
Inanunsyo ni Education Secretary Sonny Angara na nitong lamang Marso 10, sinimulan ang adjustment sa oras ng pasok mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga para sa morning sessions habang alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi naman sa afternoon sessions.
Bukod pa dyan ang karagdagang water at rest breaks ng mga estudyante lalo na sa mga non-air-conditioned classrooms.
Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ito’y upang mabawasan din ang negatibong impact sa pag-aaral, ang pagpapalit sa alternative delivery modalities nang mga eskuwelahan sa panahon ng class suspensions lalo na kung papalo ang heat index sa 42 degrees celsius o mas higit pa batay sa direktiba ng local government units o LGUs.
Samantala titiyakin naman ng mga eskuwelahan ang availability ng learning resources at magpo-produce ng self-learning modules.
Inatasan din ng Kagawaran, ang mga learning institution na ayusin ang bentilasyon sa mga classrooms sa pamamagitan ng pag-a-alis ng anomang obsturctions sa airflow at magdagdag ng bentilador sa mga classrooms, paglalagay ng hydration stations,maging ang insulated water containers kasama ng first aid kits na may cooling packs.
Mahalaga na hindi ma stressed sa dalang init ng panahon ang mga bata sa eskwelahan ngayong panahon ng tag-araw.
Gayunman ilan sa mahalagang tugon ang pag-ibayuhin ang pagtatanim ng mga puno sa ibat-ibang lugar sa ating bansa.
Mahalaga ito upang ma proteksyunan ang ating kapaligiran,isa ang mga dahon ng mga puno ang sumasala o pumipigil sa polusyon sa hangin.
Marahil panahon na rin para himukin ng Department of Environment and Natural Resources ang malalaking kumpanya na patuloy na sumisira sa ating inang kalikasan,partikular itong kaliwat-kanang mga Quarry Operations.
Sana’y palitan o magtanim sila ng mga punong-kahoy, sa mga quarry site na natapos na nilang minahin upang maibalik ang dating sigla ng mga burol.
Bagama’t batid nang lahat na kaliwat- kanan din ang mga proyekto ng gobyerno sa usapin ng infrastructure at may mga pribadong kumpanya rin ang patuloy ang pagdideveloped ng malalaking negosyo tulad ng San Miguel Corporation na nagtatambak ng lupa at buhangin sa ginagawang International Airport sa bayan ng Bulakan-Bulacan.
Dagdag pa dyan ang mga reclamation project sa National Capital Region na sa mga kabundukan din umaasa ng mga panambak, tulad Lastillas,Banday-banda, lupa at iba pa.
Alam natin na pagkatapos ng mga proyektong yan pag-angat ng ekinomiya ang kapalit ng lahat ng ito, na ayon sa mga may-ari ng proyekto ay magagandang trabaho daw para sa ilan nating mamamayan, sabi nga nila eh! Sana all.
Bueno aabangan natin ang mga development sa programa at proyektong inihanda ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor.
Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com