KASO LABAN KAY ATONG ANG UMUSAD NA

Umusad na ang kaso laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at ilang indibidwal matapos silang sampahan ng murder at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ), kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero na umano’y sangkot sa online sabong.

Ang reklamo ay inihain ng mga kaanak ng mga biktima, na matagal nang humihingi ng hustisya mula nang pumutok ang serye ng mga pagkawala noong 2021.

Dawit sa reklamo ang ilang mga personalidad na may koneksyon umano sa operasyon ng PITMASTER na posibleng may direktang kinalaman sa pagdukot at pagpaslang sa mga sabungero.

Kasabay sa pagsasampa ng kaso, kumakalat naman ngayon sa social media at media outlets ang isang umano’y leaked na dokumento mula sa sinumpaang salaysay ng whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy.” Sa nasabing affidavit, ibinunyag niya ang tungkol sa isang lihim na grupo sa loob ng PITMASTER na tinatawag na “Alpha Group.”

Ang “Alpha Group” ay inilarawan bilang ang pangunahin sa likod ng mga desisyon sa loob ng organisasyon, kabilang ang mga hakbang laban sa mga sabungerong umano’y hindi nakakabayad ng utang o tumatalima sa kanilang kasunduan.

Kabilang sa mga pinangalanan sa dokumento ay sina: Charlie “Boss AA” Ang, Senador Erwin Tulfo, LtGen. Jonnel Estomo, Mayor Bernie Tacoy ng Matag-ob, Leyte, Mayor Vincent Arjay Mejia ng Tiaong, Quezon, Angelito Guerra, dating opisyal ng NBI, Eric Dela Rosa, COO ng Pitmasters Group, Gerry Ramos, Pangulo ng Pitmaster Foundation, Kinatawan Sonny Lagon, Richard “Riper” Perez, Arman Santos, Edwin “AMO” Tose, John Capinpin, Joey Delos Santos, Lorna Lee

Base sa dokumento, inilahad ni Patidongan na ginagamit umano ng grupo ang kanilang impluwensiya upang sistematikong samantalahin ang mga sabungero, pinapautang ng malalaking halaga, at kapag nabigong makabayad, ay dinudukot at pinapatay.

Habang lumalalim ang isyu, nananawagan ang publiko para sa masinsinang imbestigasyon, hindi lamang laban sa mga akusado kundi sa buong estruktura ng PITMASTER.

Hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang DOJ ukol sa nilalaman ng listahan o kung lahat ng pangalan ay isasama sa pormal na reklamo. Sa kabila nito, may paniniwalang mayroon iba pang mga personalidad na posibleng masangkot sa isyung ito na pagkawala ng mga sabungero.(Latigo Reportorial Team)

PGB, TULOY-TULOY SA PAGSASAGAWA NG RELIEF OPERATIONS

TALAMAK NA ONLINE SABONG NI ALYAS CAPINPIN AT ALVAREZ SA BATANGAS KONEKTADO SA MISSING SABUNGEROS.

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"