KAMARA, NILINAW NA WALANG INIHAIN NA REKLAMO LABAN KAY VP SARA DUTERTE SA OMBUDSMAN

MAYNILA — Nilinaw ng House of Representatives nitong Biyernes na hindi sila ang direktang naghain ng reklamo laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Office of the Ombudsman, kasunod ng mga ulat na pinagsusumite si Duterte at ilang opisyal ng sagot sa mga mabibigat na kasong gaya ng plunder at korapsyon.

Ayon kay House spokesperson Princess Abante, hindi pa nila natatanggap ang anumang kopya ng kautusan mula sa Ombudsman kaugnay ng pagsagot sa reklamo.

Wala po kaming natatanggap na kopya ng nasabing order upang magsumite ng counter-affidavit. Nabasa ko lang po ito sa ulat at nakita sa social media,” pahayag ni Abante sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, “Batay sa aking kaalaman, hindi po ang Kamara o ang Committee on Good Government and Public Accountability ang direktang naghain ng reklamo, kundi ang Ombudsman ay kumilos batay sa rekomendasyon ng komite.”

Noong Hunyo 10, inaprubahan ng plenaryo ng Kamara ang ulat ng nasabing komite na tumatalakay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

Ipinadala sa Office of the Ombudsman ang naturang ulat noong Hunyo 16.

Ayon sa impormasyon, Hunyo 10 nang i-adopt ng plenaryo ang ulat ng komite, at ito’y naipadala sa Ombudsman noong Hunyo 16. Kaya mukhang kumilos ang Ombudsman batay sa rekomendasyon,” paliwanag ni Abante.

Bagama’t inendorso ng Kamara ang komite report, binigyang-diin ni Abante na hindi ang Mababang Kapulungan ang nagsampa ng kaso.

Kabilang sa mga kasong rekomendadong isampa laban kay VP Duterte at iba pang opisyal ay ang technical malversation, falsification of documents, perjury, bribery, plunder, at mga paglabag sa Saligang Batas.

Patuloy pa ang pag-aabang ng publiko sa magiging tugon ni VP Duterte sa naturang isyu.

Bagong Hepe PNP, Hinuhubog ang Makabagong Kapulisan

PAGTALAGA KAY RENDON LABADOR BILANG FITNESS COACH NG PNP, HINDI AWTORISADO – GEN. TORRE

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"