KALANSAY NG NAWAWALANG DALAGITA, NATAGPUAN SA TAGUM CITY

Matapos ang apat na taong pagkawala ng 17-anyos na si Quinnie Grace Arong, natuklasan ang mga labi ng isang dalagitang nakasako at nakalibing sa likod ng isang boarding house sa Barangay Apokon, Tagum City—malapit sa tinitirhan ni Quinnie.

Kinumpirma ng medico-legal na ang edad ng kalansay ay tugma sa kay Quinnie, na huling nakita noong Marso 2020 matapos magpaalam sa inang si Michelle na pupunta sa isang pictorial.

Sa kabila ng mariing pagtanggi, pinaniniwalaan ng pamilya ni Quinnie na may kinalaman sa krimen ang dating guro at umano’y manager ng dalagita na si “Anthony.”
Sa panayam ng kay Michelle, iginiit nito ang kaniyang paniniwalang si Anthony ang responsable sa pagkawala at posibleng pagpatay sa anak, lalo na’t dati itong nangupahan sa mismong bahay kung saan nahukay ang mga labi.

Ayon sa pulisya, may sapat na indikasyong si Quinnie ay ginahasa at pinaslang upang pagtakpan ang krimen. Habang hinihintay pa ang resulta ng DNA test, pursigido si Michelle na ituloy ang kaso at panagutin si Anthony. “Hindi ako matatahimik hangga’t hindi siya nahuhuli,” aniya.(Zhel Magpantay)

Spread the love

NEGOSYANTENG SI ANSON QUE, BRUTAL NA PINASLANG SA KABILA NG P100M RANSOM

POSTE NG MRT-7 SA QUEZON CITY, GIBA!