JAD RACAL NANGUNGUNA SA SURVEY!

STA. MARIA, BULACAN — Nagbabago ang ihip ng hangin sa politika ng Ika-6 na Distrito ng Bulacan, matapos ilabas ang pinakahuling resulta ng Boses ng Bayan pre-election survey ng RPMD Foundation Inc., katuwang ang RPMD News Network Inc. Ayon sa survey na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20, 2025, ­lumalabas na si Jad Racal, isang negosyante at bagong mukha sa politika, ang nangunguna ngayon sa karera sa pagka-kongresista.
Nagtala si Racal ng 48% na boto mula sa mga respondente, tumaas ng 5 puntos kumpara sa naunang survey.
Samantala, si incumbent Congressman Salvador Pleyto ay nakakuha lamang ng 37%, bahagyang bumaba ng 1 puntos. Samantala, 15% pa ng mga botante ang hindi pa nakapagpapasya, patunay ng patuloy na pagiging dinamiko ng labanan.
Dahil dito, may 11-puntos na kalamangan si Racal kontra sa ­kasalukuyang mambabatas — isang senyales ng tumitibay na suporta para sa kandidato ng pagbabago.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD at isang analyst sa pandaigdigang ugnayan, “Ang patuloy na pagtaas ng popularidad ni Jad Racal ay nagpapakita ng lumalalim na pagnanais ng mga botante para sa panibagong pamumuno.
Ipinapakita rin nito ang bumababa nilang kumpiyansa sa kasalukuyang ­liderato.”
Isinailalim din sa pagsusuri ang tiwala at pagganap ng mga kandidato. Nakakuha si Cong­ressman Pleyto ng 53% na trust rating, subalit bumaba ang kanyang performance rating sa 47% — mas mababa sa inaasahan para sa isang kandidatong naghahangad ng muling pag-upo sa puwesto.
“Marami sa mga residente, kabilang ang ilan sa kanyang dating tagasuporta, ang ­nagpapahayag ng pagdududa sa pagiging aktibo at kakayahan ni Congressman Pleyto,” dagdag ni Dr. ­Martinez. “Samantalang si Racal ay madalas makita sa mga komunidad, ­nangunguna sa mga inisyatiba, at tinuturing na may bagong pananaw na akma sa kasalukuyang pangangailangan ng distrito.”
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,800 rehistradong botante sa distrito, gamit ang random sampling upang masiguro ang makatarungang representasyon ng iba’t ibang sektor. May margin of error itong ±2%.
Sa tanong na “Kung gaganapin ngayon ang halalan, sino ang inyong iboboto bilang Kongresista ng Ika-6 na Distrito ng Bulacan?”, lumitaw ang malinaw na pag-angat ni Racal at ang dumaraming sigaw para sa isang lider na may bago at mas masiglang pananaw.
Habang papalapit ang halalan sa 2025, patuloy na magiging sentro ng atensyon ang Ika-6 na ­Distrito — isang mahalagang labanan na maaaring sumalamin sa mas malawak na pagbabago ng panlasa at pananaw ng mga mamamayang Bulakenyo pagdating sa tunay na pamumuno at pananagutan. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

“HUWAG MAGING KAMOTE SA DAAN” – PBBM

VP SARA, INENDORSO SI CONG. MARCOLETA