JAD RACAL, LUMALAKAS SA IKAANIM NA DISTRITO NG BULACAN!

ANGAT – Tila patuloy na umaangat at gumaganda ang puwesto ni Jad Racal sa kanyang kampanya para sa pagka-kongresista sa Ikaanim na Distrito ng Bulacan. Sa kabila ng kanyang batang edad, ipinapakita niya ang kakayahan at malasakit ng isang kabataang lider na handang mamuno at maglingkod sa kanyang mga kababayan.
Isa sa mga dahilan ng kanyang lumalakas na suporta ay ang kanyang malawak at konkretong plataporma na naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa distrito. Kabilang dito ang pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho, na matagal na niyang sinisimulan sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang investments gamit ang sarili niyang pondo. Isa rin sa kanyang pangunahing adhikain ang pagtatayo ng isang ospital na matagal na niyang pinaplano upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, usap-usapan ang pagkawala ng kanyang pangalan sa opisyal na listahan ng mga kandidato sa balota. Gayunpaman, nilinaw ni Racal na kasalukuyan nang inaayos ang proseso upang maibalik ang kanyang pangalan sa balota at matiyak ang kanyang kandidatura.
Matatandaan na kamakailan lamang, kinatigan ng Regional Trial Court si Jad Racal sa isinampang disqualification case laban sa kanya kaugnay ng kanyang residency sa bayan ng Angat. Sa desisyong ito, pinatunayan na siya ay isang lehitimong residente ng nasabing bayan, kaya’t siya ay kwalipikadong tumakbo bilang kinatawan ng Ikaanim na Distrito ng Bulacan.
Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling matatag ang kampanya ni Jad Racal. Hindi rin maaaring ituring na nuisance candidate ang batang lider na ito, sapagkat taglay niya ang sapat na kakayahan, dedikasyon, at suportang kinakailangan upang maging kinatawan ng kanyang distrito. Habang papalapit ang araw ng halalan, makikita ang di-mapigilang paglakas ng batang lider na ito. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PCUP AT MCKS, NAGHANDOG NG WHEELCHAIRS AT QUAD CANE SA LIPA

SENADORA IMEE, NAGHATID NG PAG-ASA SA CIW