IMPEACHMENT NI VP SARA DUTERTE, UNCONSTITUTIONAL AYON SA SC

Kamusta kayo? Kumapit kayo sa inyo-inyong mga silya dahil mainit na naman ang mga pangyayari sa ating bayan. Eto na naman tayo sa isa sa mga pinakapinapanabikang drama sa pulitika—ang impeachment.

Nitong Biyernes, lumabas ang pasya ng Korte Suprema: WALA nang bisa ang mga impeachment articles laban kay VP Sara. Bakit daw? Aba’y may dalawang matitinding dahilan—unang-una, nilabag daw nito ang tinatawag na “one-year rule” at pangalawa, lumabag sa due process.

Ano ba itong one-year rule na ‘to? Simple lang: kapag na-impeach na ang isang opisyal o naisampahan ng reklamo, bawal siyang ulitin agad-ulit sa loob ng isang taon. Parang sa basketball, bawal ang double-dribble. Hindi puwedeng banatan ulit kung hindi pa tapos ang laro sa unang tira.

Pangalawa, ‘yung due process — ito ang karapatan ng bawat isa sa atin na marinig at mapakinggan bago hatulan. Sa madaling sabi, hindi puwedeng bara-bara. Kaya kung ang proseso ng impeachment ay minadali, kulang sa pormalidad, o pinilit na i-shortcut, automatic—may problema na agad ‘yan.

Mga Ka-Latigo, tatlong impeachment complaints ang isinampa noong Disyembre 2024 laban kay VP Sara—lahat daw kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds. ‘Yung isa sa mga reklamo, umabot na nga sa Senado, inendorso pa ng mahigit isang-katlong miyembro ng Kamara. Kung baga, nasa kritikal na yugto na sana. Pero bago pa man ito tumuloy sa mas mataas na antas, pumasok ang Supreme Court at sinabi: Tigil muna, may nilabag kayong patakaran.

Kaya ngayon, parang biglang nabunot ang plug sa gitna ng mainit na pelikula. Cut! Wala muna tayong ending.

Ngayon, ang tanong: Tapos na ba ang lahat? Hindi pa siguro. Hindi ito nangangahulugan na inosente na agad si VP Sara. Ang desisyon ng Korte Suprema ay tungkol lamang sa proseso, hindi pa sa nilalaman ng mga paratang. Kung may mga bago o lehitimong isyu na may sapat na ebidensiya, maaaring maibangon ulit ang usapin, kapag pasado na ang one-year ban.

Mga Ka-Latigo, sa bawat usaping legal, process is king. Hindi puwedeng daanin sa dami ng boto o lakas ng sigaw. Kailangan, ayon sa batas. At kahit sino pa ang inaakusahan—Duterte man ‘yan, o sinuman—pantay-pantay dapat sa mata ng hustisya.

Kaya sa mga nagagalit, huminga muna tayo. Sa mga natuwa, huwag muna magdiwang. Ang mahalaga, bantayan natin ang katotohanan.

Hanggang sa susunod na paglatigo ng katotohanan. (Mario Batuigas)

AYUDA SA MALOLOS HATID SA BAHA VICTIMS

MARCOS INILAHAD ANG TAGUMPAY AT SUSUNOD NA HAKBANG

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"