IMBESTIGASYON NG NAWAWALANG MGA SABUNGERO AT DAWIT NA MGA PULIS, SUPORTADO NG PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga pulis na diumano’y sangkot sa pagkawala ng mga sabungero noong 2021 hanggang 2022.
Sa isang press briefing nitong Lunes, inihayag ni PNP Chief Police General Nicolas Torre III na makikipagtulungan ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP sa National Police Commission (Napolcom) upang mapanagot ang mga sangkot na pulis.
“For the disciplinary side naman ng mga na-implicate na PNP personnel natin, Napolcom had already issued a statement, we will defer to the statement of Atty. Ralph Calinisan and we will support ano man ang kaniyang direksyon na gagawin sa imbestigasyon na ‘to,” ayon kay Torre.
Dagdag pa niya, “[IAS] and Napolcom will be working together dahil ang IAS naman part ng disciplinary machinery under the Napolcom.”
Matatandaang ­sinabi ni Napolcom vice chairperson at executive officer Atty. Rafael ­Calinisan na nagsimula na ang kanilang sariling imbestigasyon matapos pumutok ang balitang may ilang pulis na sangkot sa mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Ito ay kasunod ng paglutang ng isang ­akusadong si alias Totoy, na nagsabing 20 pulis ang umano’y sangkot sa pagdukot sa mga sabungero.
Ayon kay Totoy, handa siyang pangalanan ang mga sangkot sa kanyang isusumiteng sinumpaang salaysay.
Samantala, para sa kasong kriminal, tiniyak ni Torre na ­makikipagtulungan ang PNP sa Department of Justice (DOJ) sa isinasagawang imbestigasyon.
Kabuuang 34 na sabungero ang napaulat na nawawala mula 2021 hanggang 2022. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, may kinalaman umano ang mga kaso ng pagdukot sa game fixing o ­pandaraya sa mga laban sa sabungan.
Sa pahayag ni Totoy, sinabi niyang ang ilan sa mga biktima ay posibleng inilibing na sa Taal Lake.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang buong katotohanan sa likod ng misteryosong pagkawala ng mga ­sabungero. (Latigo Repor­torial Team)

Spread the love

FERNANDO, SUPORTADO ANG MBIFCCDEP PARA PROYEKTONG MABAWASAN ANG BAHA SA GITNANG LUZON

SAKLAAN SA ALFONSO AT DASMA, RAMPANT!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"