ILLEGAL GAMBLING AT FAKE CIGARETTE, UNSTOPPABLE SA NUEVA ECIJA?

NUEVA ECIJA — Sa kabila ng mga naunang ulat at panawagan mula sa mga residente, nananatili pa rin umano ang talamak na operasyon ng mga ilegal na sugal at pagawaan ng pekeng sigarilyo sa ilang bahagi ng lalawigan ng Nueva Ecija, ayon sa bagong serye ng impormasyon mula sa mga lokal na mamamayan.

Sa mga lungsod ng Cabanatuan at Muñoz, gayundin sa mga bayan ng Rizal, Llanera, at Talavera, patuloy umanong isinasagawa ang mga aktibidad na iligal, kahit na ito’y matagal nang tinututulan ng publiko. May mga lumabas pang ulat na nagsasangkot sa ilang opisyal sa umano’y pangongolekta ng lingguhang “padulas” kapalit ng pagtahimik sa mga operasyon.

Partikular na tinukoy ng mga residente ng Talavera ang umano’y presensya ng mga pagawaan ng pekeng sigarilyo sa mga barangay ng Platero, Marcos, Andal, at San Pascual. Bagamat may mga naunang ulat na ukol dito, nananatiling tikom ang bibig ng ilang opisyal ng barangay na nabanggit.

Lalo namang nababahala ang publiko matapos lumabas ang impormasyon na may ilang menor de edad na umano’y ginagamit o nasasangkot sa mga operasyon, bagay na mas lalong nagpapalala sa isyu.

Sa harap ng mga reklamo, muling nananawagan ang mga mamamayan sa pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni PCOL Ferdinand Germino na paigtingin ang aksyon at imbestigasyon.

“Hindi sapat ang pananahimik. Kailangan nating marinig ang tinig ng mga awtoridad ukol sa mga nangyayari. Hanggang kailan kami maghihintay ng konkretong tugon?” ani ni Aling Norma Santos, isang residente ng Barangay Platero.

Dagdag pa ni Mang Ernesto de Leon mula sa bayan ng Rizal, “Kung hindi ito bibigyang pansin ng kapulisan, para na rin nilang pinapayagan ang pagkalat ng ilegal na hanapbuhay na ito. Isa pa, kawawa ang kabataan na nasasangkot sa ganitong gulo.”

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa kampo ni PCOL Germino ukol sa mga bagong alegasyon. Gayunpaman, umaasa ang mga mamamayan na hindi magtatagal ay magkakaroon ito ng kongkretong hakbang upang wakasan ang mga iligal na aktibidad sa lalawigan.

PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, TAHIMIK LANG KONTRA ILLEGAL GAMBLING?

MGA SENADOR, NAG-CONVENE NA PARA SIMULAN ANG IMPEACHMENT TRIAL KONTRA VP SARA DUTERTE

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"