ILIGAL ONLINE SABONG SA BATANGAS, TALAMAK!

PBGEN. Jack Wanky at PCOL Geovanny Sibalo, dapat kastiguhin sina Alyas Alvarez at Alyas Gen. Abu

BATANGAS — Tila nagiging tahanan na ng talamak na iligal na online sabong ang ilang bahagi ng lalawigan ng Batangas, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng pamahalaan sa nasabing aktibidad.

Mariing panawagan ngayon ng sambayanan at ng pahayagang ito sa dalawang opisyal ng kapulisan—PBGEN. JACK WANKY, REGIONAL DIRECTOR NG PRO4A, at PCOL GEOVANNY SIBALO, PROVINCIAL DIRECTOR NG BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE—na buwagin at ipahuli ang mga nasa likod ng operasyong ito na kinabibilangan umano nina ALYAS ALVAREZ AT ALYAS RETIRED GEN. ABU.

Ayon sa mga ulat, palipat-lipat at lantaran pa ang operasyon ng e-sabong sa probinsya, dahilan upang magtaka ang publiko kung bakit tila hindi ito masawata ng mga kinauukulan. Sa kabila ng Executive Order No. 9 na nilagdaan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy pa rin ang pustahan, live streaming, at pagkalulong ng marami sa sabong sa online platform.

Nakasaad sa naturang kautusan na,

“Orders the continued nationwide suspension of e-sabong… regardless of the betting platform’s location… PAGCOR, DILG at PNP ang inatasang sumupil sa lahat ng lumalabag.”

Gayunpaman, sa Batangas ay tila hindi ito ipinatutupad. Sa halip, patuloy ang pagkakabangkarote ng maraming pamilyang Pilipino dahil sa pagkalulong sa online sabong. Marami ang nawawalan ng kabuhayan, nasisira ang relasyon sa pamilya, at nauuwi sa krimen ang iba dulot ng pagkabaon sa utang dahil sa pagtalpak.

Kung patuloy na mananatiling tikom ang bibig nina PBGEN. JACK WANKY at PCOL GEOVANNY SIBALO, , hindi malayong isipin ng taumbayan na mayroong mga nagbubulag-bulagan o nakikinabang sa likod ng operasyon ng iligal na e-sabong.

Kaya’t hamon namin sa inyo, PBGEN. WANKY AT PCOL SIBALO—aksiyunan na ang hinaing ng bayan. Ipatupad ang batas. Gampanan ang tungkulin. Ipaglaban ang kapakanan ng mamamayan. Dahil kung hindi, baka maghinala mismo ang publiko kung may kinalaman din ba kayo sa operasiyon ng online sabong at baka mawala na rin ang tiwala nila sa inyo.

A  ng Latigo Newspaper Nationwide ay hindi titigil sa paglalantad ng katotohanan hangga’t hindi ninyo ito inaaksyunan. Abangan sa susunod na isyu. (Latigo Reportorial Team)

BAGONG EMERGENCY 911 SYSTEM ILULUNSAD

OPERASYON NG SAKLA SA CAVITE TULOY PA RIN

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"