ILIGAL NA SUGAL AT PEKENG SIGARILYO, LANTARAN PA RIN SA NUEVA ECIJA

Nueva Ecija — Habang mahigpit ang kampanya ng pambansang pamahalaan laban sa ilegal na sugal at kriminalidad, tila bang natutulog sa pansitan ang ilang opisyal sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa kabila ng mga ulat, reklamo, at panawagan ng mamamayan, patuloy ang operasyon ng ilegal na sugal at paggawa ng pekeng sigarilyo sa mga bayan ng Rizal, Llanera, Talavera, at sa mga lungsod ng Cabanatuan at Muñoz.

Partikular na tinukoy ng mga residente ng Talavera ang umano’y pagawaan ng pekeng sigarilyo sa mga barangay ng Platero, Marcos, Andal, at San Pascual.

Sa kabila ng naunang mga balita, nananatiling tikom ang bibig ng mga lokal na opisyal sa naturang mga lugar. Ang masaklap, lumulutang na rin ang usapin ng umano’y paggamit sa mga menor de edad sa mga ilegal na operasyon. Ang dapat na kinabukasan ng bayan, ginagawang kasangkapan sa kabuktutan.

Ayon sa mga lokal, may ilang opisyal pa raw na sangkot sa lingguhang “padulas” para pagtakpan ang mga aktibidad na ito. Kapalit ng salapi ang pananahimik—isang uri ng katiwaliang matagal nang kinamumuhian ng taumbayan.

Hindi sapat ang pananahimik. Kailangan nating marinig ang tinig ng mga awtoridad ukol sa mga nangyayari. Hanggang kailan kami maghihintay ng konkretong tugon?” ani Aling Norma, residente ng Barangay Platero.

Dagdag pa ng isang residente ng Rizal, “Kung hindi ito bibigyang pansin ng kapulisan, para na rin nilang pinapayagan ang pagkalat ng ilegal na hanapbuhay. Isa pa, kawawa ang kabataan na nasasangkot sa ganitong gulo.”

Hanggang sa ngayon, walang inilalabas na pahayag si PCOL Ferdinand Germino, hepe ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kaugnay ng mga bagong alegasyon. Umaasa ang mamamayan na hindi ito mananatiling tahimik at magbibigay ng malinaw na aksyon sa lalong madaling panahon.

Abangan sa susunod na isyu! (LATIGO REPORTORIAL TEAM)

Spread the love

INAGURASYON NG MALALAKING PROYEKTO SA PAMUMUNO NI MAYOR NATIVIDAD

TARLAC, PUGAD NG MGA NAGKALAT NA ILIGAL NA SUGALAN!

Leave a Reply