“HUWAG MAGING KAMOTE SA DAAN” – PBBM

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga motorista na pairalin ang disiplina at iwasan ang pagiging “kamote” sa kalsada, kasunod ng sunod-sunod na insidente ng road rage sa bansa. Sa kanyang vlog nitong Lunes, iginiit ng pangulo na hindi karapatan kundi pribilehiyo ang pagkakaroon ng driver’s license, at muling hinimok ang publiko na sumunod sa batas trapiko, maging mahinahon, at huwag hayaang manaig ang init ng ulo sa kalsada.
Kasabay nito, inabisuhan ni Marcos ang mga nakakakita ng insidente na huwag lamang mag-video kundi tumulong na pakalmahin ang sitwasyon. Binigyang-diin niyang mas mainam ang maayos na pag-uusap kaysa karahasan, lalo pa’t maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga sangkot. Ang pahayag ay tugon sa matinding road rage sa Marcos Highway sa ­Antipolo, kung saan isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan dahil sa pamamaril. (Marlon Espeña)

Spread the love

POSTE NG MRT-7 SA QUEZON CITY, GIBA!

JAD RACAL NANGUNGUNA SA SURVEY!