Sis, Todo alerto na ang ating kapulisan. Halos 12,000 pulis ang ikakalat sa paligid ng Batasan Pambansa sa Quezon City para bantayan ang ika-apat na State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos. Oo, sis, ganyan sila kahanda!
Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo ng PNP, hindi lang basta-basta deployment ito ha—planado talaga. Kasama sa 11,949 pulis ang mga manggagaling pa sa mga karatig rehiyon gaya ng Central Luzon at Calabarzon. Bakit? Eh kasi nga, baka sa borders pa lang ng Metro Manila may mga aberya na, kaya todo bantay sila.
At hindi lang basta dami ng pulis ang pinag-usapan, sis. May command conference pang ginanap as early as 4 a.m. sa Camp Crame. Ang aga diba? Parang mas maaga pa sila sa alarm clock mo. Dito, pinag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagiging alerto, at pagiging proactive ng bawat isa para maging maayos at tahimik ang buong SONA.
Ang NCRPO naman, syempre andun—kasama ang lima nilang district directors. Alam mo na, sina kuya sa Manila Police District, Quezon City Police District, Northern, Eastern, at Southern Police Districts—present lahat! Lahat sila, naka-pokus sa goal: siguraduhin na kahit may rally, may kilos-protesta, o kung anumang aktibidad pa ‘yan, magiging maayos, ligtas, at makatao ang lahat.
Teka, Sis—’wag mo ring isipin na panggigipit ito ha? Katulad ng sinabi ni QCPD Acting Director Col. Randy Glen Silvio, hindi daw nila kalaban ang karapatang magpahayag. Alam mo ‘yung tipong “express yourself pero huwag gulo”? Gano’n ang peg nila. Ligtas, maayos, at may respeto sa batas ang gusto nilang mangyari.
At syempre, hindi lang basta pag-uulat ang SONA. Dito rin natin malalaman ang direksyon ng bansa sa mga susunod na buwan, ang mga plano ng gobyerno, at mga batas na dapat maipasa. Kaya hindi biro ang preparasyon.
Kaya kung balak mong makiisa sa mga aktibidad sa SONA o manood lang sa TV habang nakatambay, siguradong mapapanatag ka sa dami ng pulis na naka-deploy. Let’s just hope, Sis, na maging tahimik, maayos, at meaningful ang lahat. Sabi nga nila, sa mata ng demokrasya, mahalaga ang boses ng lahat—pero mas mahalaga na ligtas tayong lahat. (Grace Batuigas)