GOV. GWEN GARCIA, SINUSPINDE NG OFFICE OF THE OMBUDSMAN

CEBU – Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Cebu Governor Gwen Garcia ng anim na buwan, labing-apat na araw bago ang May 12 midterm elections, dahil sa umano’y “grave abuse of authority” kaugnay ng paglalabas ng special permit sa Shalom Construction, Inc. kahit wala umano itong kaukulang mga dokumento mula sa DENR. Ang reklamo ay inihain ni Moises Deiparine, na iginiit na walang legal na basehan ang permit na ipinagkaloob noong Mayo 2024. Tumatakbo si Garcia para sa kanyang ikatlong termino bilang gobernador ng lalawigang may 3.4 milyong botante.
Ayon kay Garcia, iaapela niya ang preventive suspension at iginiit na ang paglalabas ng permit ay aprubado ng Provincial Board at tugon sa water crisis na idineklara bilang state of calamity. Giit niya, walang personal na interes ang nasabing aksyon, kundi kagyat na pagtugon sa krisis sa tubig na nakaaapekto sa Metropolitan Cebu Water District. Dagdag pa ng gobernador, hindi siya nabigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang panig bago ang suspensyon, at umaasa siyang mananaig ang ­katotohanan at katarungan. (Zhel Magpantay)

Spread the love

DELIVERY RIDER, PATAY HABANG NAGHIHINTAY NG AYUDA SA MARIKINA

PARTY LIST NOMINEE, TIGOK SA SAMPALOC!