GOV CHRISTIAN YAP, DAPAT AKSYUNAN ANG MGA ILLEGAL GAMBLING SA TARLAC!

TARLAC — Lumipas muli ang isang linggo matapos ang aming huling ulat hinggil sa tumitinding operasyon ng ilegal na sugal sa lalawigan, at sa kabila ng pananahimik ng mga lokal na opisyal, tila nagising na ang damdamin ng mamamayan.

Nitong nakaraang araw, isang grupo ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan ng Tarlac ang sama-samang lumapit sa ating tanggapan bilang panawagan na mai-expose ang umano’y sabwatan ng ilang opisyal sa talamak na sugal.

Ayon kay “Ka Lino,” isa sa mga nanguna sa inisyatiba, “Hindi na namin matiis. Lantarang-lantaran na ang sugal kahit sa tapat ng barangay hall. Kapag may umaangal, tinatakot. Kaya kami na mismo ang kumikilos.”

Sa gitna nito, patuloy pa ring kumakalat ang pangalan ng tinaguriang “Gambling Queen” na sina Espi at Agnes. Ayon sa bagong impormasyon mula sa bayan ng Paniqui, may mga bagong tauhan umano silang ipinakalat para magbantay sa mga kolektor ng lingguhang kubransa. Isa na rito ang alyas “Buboy” na sinasabing dating tanod at ngayo’y kolektor na rin ng sakla sa ilang barangay.

Nagpapakita ng pagkadismaya ng mga concerned citizens sa tila pagwawalang-bahala ng mga nasa kapangyarihan.

Hindi rin ligtas sa mata ng publiko si incoming Governor Christian Yap, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng kahit isang pahayag ukol sa isyu. Muli, ginagamit umano ng ilang gambling operator ang kanyang pangalan upang palabasing may “basbas” mula sa kapitolyo ang kanilang operasyon.

Habang nag-aabang ang publiko sa aksyon mula sa national government, mas lalong umiigting ang panawagan para sa accountability at transparency. Anila, hindi lamang ito laban sa sugal, kundi laban sa sistemang unti-unting lumalamon sa integridad ng pamahalaan sa lalawigan.

Patuloy ang aming pagbabantay sa mga susunod na hakbang ng DILG at iba pang kinauukulan.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

SAKLAAN SA ALFONSO AT DASMA, RAMPANT!

TRADER NG PEKENG SIGARILYO SA QC AT GUNRUNNER SA NEGROS ORIENTAL, TIKLO SA CIDG

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"