GOB HERNANDEZ AT PCOL DALMACIA SA LIKOD NG RAMPANT ILLEGAL GAMBLING SA LAGUNA?

LAGUNA — Sa patuloy na pagkubabaw ng mga iligal na pasugalan sa lalawigan, mas lalo pang umiinit ang panawagan ng taumbayan laban sa mga opisyal na umano’y nakikinabang sa operasyon ng mga ito.
Sa bagong ulat na nakuha ng Latigo Weekly, lumalawak pa umano ang nasasakupan ng mga iligalista sa Laguna. Bukod sa nabanggit na mga bayan, may operasyon na rin sa mga lugar ng Los Baños, Bay, Victoria, at San Pablo City. Sa kabila ng dumaraming reklamo, tila bulag at bingi pa rin ang mga kinauukulang opisyal.
Ayon sa isa pang mapagkakatiwalaang source, malaki umano ang papel na ginagampanan ng ilang lokal na opisyal at ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa pagprotekta sa mga sugalan. “Hindi matitibag ang operasyon kung walang go signal mula sa taas,” ani ng isang dating barangay kagawad na tumangging pangalanan sa tkot sa kanyang seguridad.
Patuloy ding nababanggit ang pangalan ni PCOL RICARDO DALMACIA, na sinasabing may direktang ugnayan sa mga kolektor ng payola kung saan muli na namang lumutang ang alyas “SARHENTO”, na ngayon ay sinasabing namumuno sa pangongolekta hindi lamang sa Laguna kundi pati na rin sa mga karatig-lalawigan gaya ng Quezon at Batangas.
Samantala, umani rin ng matinding batikos sa social media ang tanggapan ni GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ, matapos kumalat ang mga alegasyon na tumatanggap umano ng “weekly envelope” mula sa ilang gambling lords. Wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Hernandez ukol sa isyu, ngunit hinihintay na ng mamamayan ang kanyang posisyon at aksyon.
Sa kabila ng presensya ng mga checkpoint at Oplan Sita sa ilang bayan, kapansin-pansin na hindi nasasangkot sa mga operasyon ang mga pasugalan. “Selective enforcement,” ayon sa isang retiradong pulis. “Kahit may batas, kung may lagay, ligtas.”
Mariing panawagan ngayon ng mga mamamayan sa DILG at sa pambansang pamunuan ng PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon. Maging ang ilang konsehal at mayor ay hinihimok na magsalita at ipaglaban ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
Nakataya hindi lamang ang dangal ng lalawigan kundi ang kinabukasan ng mga kabataan sa kulturang unti-unting inuugat ng sugal at katiwalian.
“Hindi sapat ang pananahimik. Kailangang may managot,” sigaw ng isang ginang mula sa Sta. Rosa. Patuloy ang pag-abang ng publiko kung may tunay na pagbabago bang mangyayari—o mananatiling laro-laro lang ang lahat.
(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PCUP AT ILANG AHENSIYA, NAGKAISA PARA SA MARALITANG TAGALUNGSOD SA ZAMBOANGA

NEDA TO DEPDEV, BATAS NA!

NEDA TO DEPDEV, BATAS NA!