BULACAN — Patuloy na pinagtitibay ng mga lehitimong survey ang matatag na suporta ng mga Bulakenyo kay incumbent Governor Daniel R. Fernando, matapos itong manguna sa pinakahuling survey ng Global Innovation Consensus (GIC)—isang SEC-registered at kilalang research firm sa bansa—na isinagawa mula Pebrero 1 hanggang 8, 2025.
Ayon sa nasabing survey, si Gov. Fernando ay nakakuha ng landslide rating na 81%, na nagpapakita ng kanyang “unbeatable” na posisyon sa darating na May 12, 2025 elections. Malayo ang agwat ng suporta sa kanyang mga katunggali: si Bogs Violago ay may 10% habang si dating gobernador Willy Sy-Alvarado ay nakakuha ng 7%. Samantala, 2% lamang ang nananatiling undecided.
Isinagawa ang survey sa mahigit 6,000 respondents mula sa 24 na lungsod at bayan ng Bulacan.
Tinalakay dito ang pananaw ng publiko sa pamumuno ni Fernando, kasiyahan sa implementasyon ng kanyang mga programa, at antas ng transparency sa pamahalaang panlalawigan.
Ayon sa GIC, mataas ang tiwala ng mga Bulakenyo sa mga high-impact at high-visibility programs ng gobernador, kabilang ang kanyang pagiging malapit sa masa, bukas sa pakikipagdayalogo sa komunidad, at tapat sa pamamahala.
Pinapakita rin sa survey ang kahalagahan ng grassroots engagement at paggamit ng digital platforms sa pagbibigay ng impormasyon at serbisyong publiko.
Ang malawak na suporta kay Fernando ay naramdaman na bago pa man ang opisyal na simula ng kampanya, at naglalarawan ng matibay na paninindigan ng mga mamamayan kung sino ang nais nilang mamuno sa lalawigan sa susunod na tatlong taon.(Latigo Reportorial Team)
