GEN. ESTOMO, MAGHAHAIN NG KASO LABAN KAY PATIDONGAN SA GITNA NG P70-MILYONG ISYU NG ‘ALPHA GROUP’

Magsasampa ng kaso si Police Lieutenant General Benjamin “Benjie” Estomo laban kay Ginoong Patidongan dahil sa umano’y paninira sa kanyang pangalan at reputasyon kaugnay ng isyu sa tinaguriang “Alpha Group” na sinasabing tumatanggap ng P70 milyon kada buwan.

Para kay Ginoong Patidongan, sa kanyang ginawang paninira sa aking pagkatao at reputasyon, inihahanda na ng aking mga abogado ang kaukulang kaso sa malisyoso at walang batayang akusasyon sa akin,” mariing pahayag ni Estomo.

Nabanggit ni Patidongan na bahagi raw si Estomo sa umano’y hatian ng P70 milyon kada buwan ng grupo. “May monthly yan sila kasi Alpha nga. Kapag sinabing Alpha, kasama siya sa hatian na P70 million pero tatlo silang grupo siguro hati-hati sila sa P70 million a month,” ani Patidongan.

Mariing pinabulaanan ni Estomo ang naturang akusasyon at iginiit na walang katotohanan ang mga paratang. Aniya, hindi niya hahayaang madungisan ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga walang basehang paratang.

Patuloy na iniimbestigahan ang umano’y operasyon ng Alpha Group, isang grupong sangkot sa ilegal na aktibidad, ngunit nilinaw ni Estomo na hindi siya kailanman naging bahagi nito (John Artuz)

47TH FOUNDING ANNIVERSARY NG BRF CENTER No.12 at STA. KRUZ DE MAYO 2025 SABAY NA IPINAGDIWANG,TAGUMPAY!!!

BAGYO SEASON NA NAMAN, BILLION FLOOD CONTROL BUDGET NASAAN NA?

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"