FERNANDO, SUPORTADO ANG MBIFCCDEP PARA PROYEKTONG MABAWASAN ANG BAHA SA GITNANG LUZON

LUNGSOD NG MALOLOS — Buong suporta ang ipinahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando para sa feasibility study ng Manila Bay Integrated Flood Control Coastal Defense and Expressway Project (MBIFCCDEP), isang malakihang proyektong layong bawasan ang pagbaha at palakasin ang coastal defense ng Gitnang Luzon.
Sa kanyang pahayag sa Unang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium kamakailan, iginiit ni Fernando ang kahalagahan ng proyektong mag-uugnay sa Bataan, Pampanga, at Bulacan hanggang Metro Manila sa pamamagitan ng coastal road-dike na magsisilbing expressway at harang sa baha.
“Ito po ay isa sa mga flagship na programa natin sa pagbaha. Sana bago matapos ang aking termino ay ma-budget-an ito, at sa pag-alis ko sa Kapitolyo, ito’y gagawin na. At least may naiwan tayo na solusyon sa baha,” ani Fernando.
Inilahad din ng gobernador na naiprisinta na ang proyekto kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang isang pangmatagalang solusyon sa matagal nang suliranin sa baha sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon.
Bilang tugon, inilabas ni Pangulong Marcos ang Presidential Directive No. PBBM-2025-1415 na iniuutos sa Department of Economy, Planning and Development (DEPDev), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Public-Private Partnership Center of the Philippines na suriin ang mga mungkahing proposal para sa nasabing proyekto.
Bukod sa coastal project, ibinahagi rin ni Fernando na nakikipag-ugnayan na siya kay San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang para sa dredging o paghuhukay sa mga pangunahing ilog at sapa sa Bulacan, na agad namang sinuportahan ng negosyanteng si Ang.
“Yan po talaga ang isa sa aking mga layunin, ang pagtulung-tulungan ang lalawigan to control at mawala na po ‘yung mga flooding na ‘yan, para pagpasok ng investors natin, tuloy-tuloy na, ‘di po mag-aalinlangan,” dagdag pa ng gobernador.
Sa pagsisimula ng kanyang ikatlong termino, malinaw na muling pinagtitibay ni Fernando ang kanyang adhikain na bigyan ng konkretong solusyon ang problema ng pagbaha sa Bulacan at karatig na mga lalawigan — isang hakbang tungo sa mas ligtas at maunlad na rehiyon. (Latigo Reportorial Team)

MURANG KURYENTE AT TULONG SA MAMAMAYAN, PRAYORIDAD NI SENATOR MARCOLETA

IMBESTIGASYON NG NAWAWALANG MGA SABUNGERO AT DAWIT NA MGA PULIS, SUPORTADO NG PNP

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"