PCOL Sibalo at PBGEN Wanky, mahina nga ba ?
BATANGAS — Lumalalim pa ang pagkadismaya ng taumbayan matapos na tila wala pa ring konkretong aksiyon sina PCOL Geovanny Sibalo at PBGEN Jack Wanky laban sa mga operasyon ng iligal na sugal nina alyas Aries Alvarez at alyas John Capinpin.
Sa kabila ng matagal nang panawagan ng mga residente at civic groups, nananatiling tahimik ang hanay ng kapulisan hinggil sa lumalalang presensya ng mga pasugalan sa iba’t ibang bayan ng Batangas. Habang tumatagal, nagiging mas hayagan pa ang operasyon ng mga ito—naglalagay ng mas modernong kagamitan, mas mabilis na transaksiyon online, at mas malawak na saklaw ng kanilang mga parokyano.
Ayon sa ilang residente, tila nagkaroon na ng kultura ng “normalisasyon” sa mga iligal na aktibidad na ito, dahil hindi na rin nagtataka ang publiko kung bakit nananatiling nakapailalim sa kapangyarihan nina Alvarez at Capinpin ang mga sabungan. Ang mas nakapagtataka: wala man lang nakikitang seryosong pagsalakay o pag-aresto mula sa pamunuan ng Batangas PPO at PRO 4A.
Dahil dito, tanong at pagtataka ng mga Batangueño “MAHINA BA TALAGA ANG LIDERATO NINA SIBALO AT WANKY KAYA HINDI MAGAWANG GIBAIN ANG MGA KUTA NG SUGALAN? O baka naman sadyang MAY PAKINABANG DIN ANG MGA ITO KAYA’T NAGBUBULAG-BULAGAN AT HINDI UMAAKSIYON?
Dagdag pa rito, may mga ulat na kahit pa umaabot na sa ibang probinsya ang koneksyon at operasyon ng mga operator ito, nananatiling malakas ang kanilang impluwensya a tila ba mas mataas pa sila sa batas na animo`y mga UNSTOPABBLE
Kaya’t muling nananawagan ang mga Batangueño sa taggapan nina PCOL Geovanny Sibalo at PBGEN Jack Wanky hanggang kailan ba sila magbubulag-bulagan ? Hanggang kailan magtitiis ang publiko sa katahimikan ng mga pinuno ng kapulisan, habang patuloy na kumikita at lumalakas ang iligal na sugal sa Batangas? (Latigo Reportorial Team)




