DRY SEASON O TAG-INIT, RAMDAM NA NG MGA FILIPINO

Dahil opisyal nang inanunsyo ng PAGASA, ang pagpasok ng Dry Season o tag-araw, ramdam na ng mga filipino ang bagsik ng init na totoong nakapapaso ng balat ng tao, ang mitinding sikat ng araw, kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.
Bukod kasi sa pagkalapnos ng Balat,nakakatakot rin ang taidor na sakit tulad ng Atake sa Puso, na kabilang sa nakamamatay na sakit sa buong mundo, dagdag pa dyan ang Pagtaas ng Dugo,o High blood na dulot rin ng mainit na singaw ng panahon.
Sa mga panahon na ito mahalaga ang pag-iingat, dapat ugaliin ang madalas na pag-inum ng malinis na tubig,hindi rin dapat makalimutan ng mga may karamdaman ang kanilang mga gamot o maintenance para sa kalusugan.
Kaya todo paghahanda ang iba’t ibang resort dahil inaasahan ang mga dagsa ng mga parokyano.
Sa panig naman ng ating law enforcer ay in-activate na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Summer Vacation kung saan daragdagan ang police na visibility sa mga bus terminal at mga pantalan bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga bakas­yonista na lalabas at papasok ng Metro Manila.
Sa Oplan SumVac 2025 ng PNP ay mahigpit din ang paalala na sundin ang BLOWBAGETS o dapat nasa kondisyon ang mga sasakyan na gagamitin sa biyahe.
Mismong ang driver ay dapat nasa kondisyon din upang maiwasan ang trahedya sa biyahe.
Kung commuter naman, dalhin ang basic na kailangan habang ang mahahalagang gamit, pera at alahas ay dapat nasa ligtas na lalagyan.
Ang tahanang iiwan ay dapat ligtas din mula naman sa mga kawatan kaya ipagbilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay o kamag-anak na malapit sa inyong tahanan.Iwasan ang mag-post ng ATM o at the moment upang hindi mabiktikma ng cyber criminals na nakatutok sa socmed para mag-abang ng bibiktimahin.
Simulan ang summer na puno ng masaya at matapos ang ligtas na bakasyon.
Para sa inyong reaksyon maari kayong mag end ng message sa thony.arcenal@gmail.com (Thony Arcenal)

Spread the love

MICHAEL LIM UBAC, BAGONG USEC NG PCO

NHA, DA, LUMAGDA SA KASUNDUANG ILAPIT ANG MURANG SUPLAY NG PAGKAIN SA MGA BENEPISYARYO