DILG AT GIZ NAGSANIB-PUWERSA PARA SA CLIMATE-SMART NA MGA LUNGSOD

MANILA – Lumagda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH ng isang memorandum of understanding (MOU) para sa limang taong programa na magpapalakas sa kakayahan ng mga lungsod sa Pilipinas na manguna sa makabagong, matatag, at climate-smart na urban development.

Pinangunahan nina DILG Assistant Secretary Jesi Howard Lanete at German Ambassador sa Pilipinas Dr. Andreas Michael Pfaffernoschke ang paglagda ng kasunduan noong Agosto 29 sa Alfaland, Makati Place, Makati City.

Ayon sa DILG, ang proyektong Integrated Urban Climate Action for Low-Carbon and Resilient Cities (Urban-Act) ay isang mahalagang hakbang para mapaigting ang urban climate resilience sa buong bansa.

Nakabatay ito sa layunin ng administrasyong Marcos na isulong ang “Bagong Pilipinas” na inklusibo, makabago, at matatag laban sa banta ng climate change.

Bahagi rin ng Urban-Act ang pagtupad ng bansa sa Nationally Determined Contributions (NDCs) sa ilalim ng Paris Agreement at ang pagtutulak sa mga layunin ng 2030 Agenda for Sustainable Development.

Pinondohan ng International Climate Initiative sa pamamagitan ng German Federal Ministry for Economic Affairs and Climate Action, saklaw din ng mas malawak na inisyatiba ang mga bansang India, Thailand, China, at Indonesia.

Tututok ang proyekto sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga lungsod sa Pilipinas na isama ang climate change adaptation at mitigation sa urban planning, pati na rin ang mas mahigpit na ugnayan ng pambansa at lokal na polisiya para mas maramdaman sa komunidad ang epekto.

Pangunahing katuwang ng DILG sa proyekto ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Department of Transportation (DOTr) para sa pag-update ng polisiya, pagbibigay ng teknikal na serbisyo, at pagpapaigting ng inter-agency collaboration.

Itinakda rin ang Antipolo City (Rizal), Bacolod City (Negros Occidental), at Tagbilaran City (Bohol) bilang mga pilot area kung saan ilalatag at susubukan ang climate-responsive urban development plans.(MJ Espeña)

Spread the love

TUKLASIN NATIN! (SEPTEMBER 08, 2025)

KASAKIMAN: SUGAT NA DAPAT GAMUTIN NG PANANAMPALATAYA

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"