DELIVERY RIDER, PATAY HABANG NAGHIHINTAY NG AYUDA SA MARIKINA

Isang 20-anyos na delivery rider ang namatay habang nakapila para sa pinansyal na ayuda sa Marikina Sports Complex nitong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat ng Marikina City Police, bigla umanong nawalan ng malay ang biktima at agad na dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center bandang 4:20 ng hapon. Idineklara siyang patay makalipas ang halos isang oras.
Sa paunang ulat ng ospital, tinukoy na “natural death” ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki. Kinumpirma ng pulisya na Martes ng umaga lamang nila natanggap ang impormasyon kaya agad silang nagsagawa ng imbestigasyon upang tiyakin ang mga pangyayari sa insidente. (Sabrina Ramirez)

BSP, NAGBABALA SA PUBLIKO KONTRA PEKENG PAGGAMIT SA TANGGAPAN!

GOV. GWEN GARCIA, SINUSPINDE NG OFFICE OF THE OMBUDSMAN

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"