BULACAN, PANGATLO SA PINAKALIGTAS NA LALAWIGAN SA BUONG PILIPINAS NGAYONG 2025!

BULACAN — Isang karangalan na naman ang natamo ng Lalawigan ng Bulacan matapos kilalanin bilang ikatlong pinakamaligtas na lugar sa buong Pilipinas ngayong 2025, base sa tala ng World Travel Index.

Nakamit ng Bulacan ang mataas na iskor na 76.42, patunay ng mas pinatibay na seguridad hindi lamang para sa mga residente kundi lalo na sa mga turista. Ayon sa ulat, malaki ang naging papel ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya at programang pangkapayapaan, kalinisan, at kaayusan sa komunidad.

Bukod sa kaligtasan, binigyang-diin rin sa ulat ang mayamang kultura at kasaysayan ng Bulacan—mula sa mga makasaysayang simbahan tulad ng Barasoain Church, hanggang sa masasarap at tanyag na kainan sa bawat bayan.

Kilala rin ang Bulacan bilang puso ng Gitnang Luzon, at ngayon ay isa na ring patok na destinasyon para sa mga naghahanap ng ligtas, tahimik, at makasaysayang paglalakbay.

Sa pagkilalang ito, umaasa ang pamahalaang panlalawigan na mas lalong dadami pa ang mga turistang bibisita at magpapatuloy ang pagkilala sa Bulacan bilang isang ligtas at buhay na buhay na destinasyon sa puso ng bansa. (Latigo Reportorial Team)

10 PRIORITY BILLS NI SENATOR MARCOLETA

PULIS NA NASAWI SA ENGKWENTRO, BINISITA NI PNP CHIEF TORRE

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"