BUDOL NG MGA TAXI DRIVER SA NAIA, BUBUWAGIN, NG DOTR

Kamakailan nabuking ang mga katiwalian o anumalya sa Ninoy Aquino International Airport kaugnay sa halos tripleng singil sa pasahe ng mga public trasport.

Kaya naman disidido si Secretary Vince Dizon nang Department of Transportation (DOTr) na hanapin ang mga nasa likod ng umano’y illegal na transaksyon ng mga taxi driver, at iba pang tsuper ng public transport na grabeng maningil.

Mga igan, katuwang ng DOTr ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa upang mapanagot ang mga sangkot.

Sinabi ng taxi driver, na may limang airport police na kahati sa 60-40%ang hatian sa malaking kita ng mga super ng taxi sa pambansang paliparan.

Kung matatandaan ninyo isang viral video nang isang taxi driver ang naningil ng mahigit na P1,200 sa pasahero na nagpapalipat lamang mula sa Terminal 3 patungo sa Terminal 1.

Sinabi ng Kalihim, na hindi katanggaptanggap ang hindi lang doble o tripleng singil ng taxi driver malupit na singil ito.

Tiniyak ni Transportation Secretary Dizon, na kailangang aksyunan kaagad ang ganitong uri ng pag-abuso at mistulang pambubudol lalo’t pangunahing target ang mga balikbayan maging ang mga turista.

Umapila din ang kalihim sa publiko na huwag matakot na i-video o i-tag ang DOTr at LTO kung sakaling mabiktima ng overcharging sa mga pampublikong transportasyon sa buong bansa.

***

MAPAYAPA ANG UNANG ARAW NG PASUKAN.

Mga igan, naging mapayapa sa kabuoan ang pagbubukas ng klase nitong Lunes,kasabay ng matagumpay at payapang enrollment,na pinagaan nang Department of Education ang requirements ng mga estudyante.

Ayon kasi sa hanas ng DepEd isang birth certificate na lang ang gagamitin mula sa kindergarten hanggang sa Grade 12, kung matatandaan ninyo hindi ito katulad sa nakaraang na taon taon na maraming resikitos na dapat masumite.

Ang kagandahan pa bawas gastos sa enrollment at hindi na maabala pa kada taon para kumuha ng requirements sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Kung hindi agad available ang birth certificate ay tatanggap din ang DepEd ng mga pangalawang dokumento, katulad ng National ID o anumang primary government ID, Marriage Certificate, Philhealth ID, PWD ID, Barangay Certification, Affidavit of undertaking na nilagdaan ng mga magulang, NSO/PSA issued Certificate of Foundling, at Baptismal Certificate.

Samantala may mga espesyal na probisyon na ginawa para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at mga residente ng mga pasilidad ng rehabilitasyon na naka-enroll sa ALS, na maaaring magsumite ng mga sertipiko o patunay ng pagkakakilanlan sa kanilang guro sa ALS.

***

PABAYA NA PET OWNERS, DAPAT PAPANAGUTIN NG BARANGAY.

KABAYAN,matagal ng problema sa ibat-ibang lugar sa ating bansa ang mga Aso at pusa na patuloy na gumagala sa mga kalye sa barangay.

Paano ba naman kung saan-saan, tumatae o dumudumi ang mga alaga nilang HAYOP, at kadalasan pinababayaan lamang ito ng mga iresponsableng pet owners.

Bukod dyan, lubhang delikado rin ang mga nakakawalang aso at pusa, dahil maaring nagtataglay sila ng rabies na sanhi ng pagkamatay ng makakagat nito.

Bagama’t may ordinance o batas para sa mga iresponsableng pet owners madalas hindi ito pinapansin ng mga damuhong pet owners.

Mga igan, ayon sa Republic Act No. 9482, o mas kilala bilang Anti -Rabies Act of 2007, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapabaya sa mga aso at pusa na pakalat-kalat sa kalye.

Layunin ng batas na ito na mapigilan ang pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan ng mga tao at animal.

Pero ang nakakalungkot ipinagkikibit balikat lamang ng mga opisyal ng barangay ang mga reklamo na idinudulog sa kanila.

Deadma ang barangay officials maliban sa paaasahin ka lamang na kakausapin daw nila ang mga hunghang na pet owners.

Isang bagay na hindi naman nakapagtataka ang galaw ng mga sweduhan ng taong-bayan, dahil totoo daw ang kasabihan na napangakuan ka na eh gusto mo pang matupad, huhuhu yan ang literal na tugon ng mga damuhong nilalang.

Ilan umano sa dahilan kung bakit hindi pinapansin ng barangay ang reklamo ng ilang residente sa kanilang lugar, sa mga Dugyot na aso, dahil karaniwan Kumapare ni Kapitan ang pet Owner, habang ang iba naman ay kamag-anak ni Kagawad,o kumare ng Barangay Tanod.

Kaya may mga lugar na tinatawag na Baryo ma-aso kalye matae, kaya nakapandidiri ang mga usaping ito na dapat sana’y mabigyan ng solusyon.

Dapat patawan ng parusa ang mapapatunayang nagpabaya o lumabag sa RA 9482 sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang aso o pusa.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

PROBLEMA SA SCATTER, SINO BA TALAGA ANG DAPAT SISIHIN?

Bagong Hepe PNP, Hinuhubog ang Makabagong Kapulisan

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"