BSP, NAGBABALA SA PUBLIKO KONTRA PEKENG PAGGAMIT SA TANGGAPAN!

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko hinggil sa pekeng paggamit ng pangalan, logo, at mga tauhan nito ng isang entidad na tinatawag na “UNA Financing Corporation.”
Ayon sa BSP, nakatanggap sila ng mga ulat na ginagamit ng nasabing kumpanya ang BSP bilang kunwaring sanggunian upang maningil ng bayarin at mangolekta ng personal na impormasyon mula sa mga aplikante ng pautang.
Nilinaw ng BSP na wala itong kaugnayan o transaksyon sa UNA Financing Corporation at hindi kailanman nanghihingi ng pera o sensitibong impormasyon ang kanilang mga opisyal sa pagtupad ng tungkulin.
Hinikayat ng BSP ang publiko na iwasang makipagtransaksyon sa mga indibidwal o grupong nagpapakilalang konektado sa BSP at agad iulat sa mga kinauukulang ahensya ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa nararapat na aksyon. (Amelia Rodriguez)

Spread the love

PNP, HINIMOK NA BAWIIN ANG P200-M RANSOM KAY ANSON QUE — PIMENTEL

DELIVERY RIDER, PATAY HABANG NAGHIHINTAY NG AYUDA SA MARIKINA