TARLAC – Hindi pa rin umano tumitigil sa pangongolekta si ALYAS BRENDON DELA ROSA, isang local media personality sa lalawigan na nagpapakilalang matibay na bata umano ni PD PCOL MIGUEL DE GUZMAN sa mga gambling operator sa TARLAC.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources, si DELA ROSA ay walang harimunan ang pangongolekta ng mga lingguhang tara mula sa mga iligal na operator ng sugalan sa buong Tarlac, na umano’y may koneksyon sa Tarlac Police Provincial Office Director (PD) na si PCOL Miguel Guzman.
Nagpakilala si ALYAS BRENDON DELA ROSA bilang tauhan ni PD Guzman at nag-iikot sa iba’t ibang lugar upang kolektahin ang pera mula sa mga gambling operators sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng mga kilalang tao, kabilang na ang diumano`y kanang kamay ni PD na si RICKY GONZALES at ang isang ALYAS JEROME.
Napag-alaman na hindi pinapansin ng mga operatiba ang mga sugalan sa mga lugar tulad ng Concepcion, Tarlac City, Capas, Paniqui, at Victoria na ipinagmamalaking libo-libo umano ang ibinibigay na koleksyon kay ALYAS BRENDON DELA ROSA .
Lalo pang kumalat ang mga alegasyong ito nang lumabas ang impormasyon na ginagamit ni Brendon Dela Rosa ang pahayagang Latigo Newspaper sa kaniyang mga pag-iikot sa mga pasugalan.
Ayon sa mga source, walang pahintulot mula sa pahayagan, iniangkin ni Dela Rosa na siya ay may direktang kaugnayan kay Mario Batuigas, ang publisher ng Latigo Newspaper, upang mangolekta sa mga operator ng iligal na sugalan. Pinapalakas niya ang kanyang pondo gamit ang pangalan ng pahayagan, na naging sanhi ng di pagkakaintindihan at hindi pagkakasunduan sa mga kasamahan sa media.
Ang mga aksyong ito ay hindi lamang nakakasira sa pangalan ni PD Guzman, kundi pati na rin sa imahe ng Latigo Newspaper. Ayon sa ating mga kaalaman, si PD Guzman ay nagbigay ng mga pakonsuwelo sa mga media people upang matulungan ang kaniyang mga press releases at iba pang mga publikasyon. Subalit, may mga alingawngaw na ang mga perang ipinagkaloob sa mga miyembro ng media ay hindi sa kanila direktang dumarating, kundi dumadaan sa mga taong tulad ni ALYAS RICKY at ALYAS BRENDON DELA ROSA.
Hindi dapat palampasin ni PD ang mga ganitong uri ng mga isyu. Kaya’t umaasa ang publiko at mga miyembro ng media na hindi ito pwedeng isantabi lang ng TARLAC PPO.
Hinihikayat natin ang mga awtoridad, lalo na si PD Guzman, na pagtibayin ang kanilang integridad at tiyaking ang mga ganitong klaseng gawain ay mapapansin at madadala sa tamang proseso.
Ang mga ganitong isyu ay hindi lamang nakakasira sa kanilang reputasyon, kundi nagdudulot din ng masamang imahe sa buong komunidad.Latigo Reportorial Team)
