BANTA SA MGA TAGA-SUPORTA NI JAD RACAL, ISINIWALAT!

ANGAT, BULACAN — Sa isang pahayag sa kanyang Facebook post, isiniwalat ni Jad Racal ang umano’y pananakot sa ilang lider ng kanyang grupo sa ikaanim na distrito.
“May mga report po na nakarating sa atin na tinatakot ang ating mga lider na kumalas na sa atin,” ani Racal sa kanyang post.
Ikinagulat umano niya ang insidenteng ito, lalo pa’t sinasabi ng kabilang panig na wala naman silang kalaban.
“Akala ko po ba walang kalaban? Bakit kailangan pa gumawa ng ganitong gawain?” dagdag pa niya.
Mariin niyang ­kinondena ang ganitong klase ng taktika na aniya’y walang puwang sa isang sibilisadong pamayanan.
Ayon sa kanya, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga otoridad upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng pananakot.
Hinihikayat din niya ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanilang grupo kung may impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga gumagawa nito.
“Mahal ko po kayo, ilalaban ko kayo hanggang huli,” paniniguro ni Racal sa kanyang mga taga-suporta.
Sa huli, nagpaabot siya ng mensahe ng katatagan: “Tibayan niyo lang po ang inyong loob, sama-sama po nating malalampasan ito lahat.”
Ang insidente ay nagdulot ng pangamba sa ilang miyembro ng komunidad, ngunit naging simbolo rin ito ng pagkakaisa at katatagan ng grupo ni Racal sa gitna ng mga pagsubok. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PUMILI NG BAGO NGAYONG HALALAN 2025, PARA SA PAGBABAGO

MARCOLETA, PANGALAWA SA KALYE SURVEY NG PAPI