BAGYO SEASON NA NAMAN, BILLION FLOOD CONTROL BUDGET NASAAN NA?

Sa kabila ng bilyong pisong inilaan sa flood control projects, marami pa ring kalsada ang parang ilog, at mga kabahayan ang nagiging palaisdaan. Mula Luzon hanggang Mindanao, parehong kwento ang maririnig: nasaan na ang pondo?

Ang masaklap, tuwing may trahedya, doon lamang tila nagigising ang mga kinauukulan. Bigla na lang may inspeksyon sa mga estero, may press conference, may mga emergency response photo ops. Pero pagkatapos ng bagyo, balik na naman sa dating sistema—walang transparency, walang accountability.

Hindi ba’t may taunang alokasyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga lokal na pamahalaan para sa drainage improvement, dredging, at river control systems? Saan napunta ang mga proyektong ‘yan? Na-implementa ba? O natulog lang sa papel?

Hindi na tayo dapat nabibigla sa baha. Kung planado at sineryoso ang flood mitigation, hindi na dapat humahantong sa ganitong klaseng sakuna. Pero sa totoo lang, tila mas malalim pa sa baha ang problema: katiwalian, kapabayaan, at kawalan ng tunay na malasakit.

Habang pinapasan ng karaniwang mamamayan ang pinsala sa bahay, kabuhayan, at kalusugan, ang ilang opisyal ay tila TULOG na ulit matapos ang pagtakbo sa nakaraang eleksyon o kaya’y sa pagbibilang ng kickback mula sa mga ghost project.

Panahon na para managot ang dapat managot. Hindi na sapat ang puro pangako. Kailangang may resulta, may aksyon, at higit sa lahat, may pananagutan.

Kung ang baha ay hindi na maiiwasan sa panahon ng bagyo, sana naman ang pagnanakaw sa pondo para sa flood control ay matigil na.

Sapagkat sa dulo, tayong mamamayan ang laging lumulubog — hindi lang sa baha, kundi sa kawalang pag-asa. (MJ Espena)

GEN. ESTOMO, MAGHAHAIN NG KASO LABAN KAY PATIDONGAN SA GITNA NG P70-MILYONG ISYU NG ‘ALPHA GROUP’

MGA BUTO NG TAO SA TAAL LAKE

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"