Isang makasaysayang tagumpay na naman ang naitala ng kasalukuyang Punong Lungsod ng Malolos, Atty. Christian D. Natividad, matapos siyang mahalal muli bilang alkalde sa pamamagitan ng aklamasyon sa katatapos na halalan.
Hindi na kinailangan ng labanan sa balota, matapos na walang ibang naghain ng kandidatura laban sa kaniya, patunay ng matibay na suporta at tiwala ng mga mamamayan ng Malolos sa kaniyang pamumuno. Nakapagtala pa rin si Mayor Natividad ng 97,706 boto, na lalong nagpapatunay sa solidong suporta ng taumbayan.
Tinawag ng maraming Maloleño, lalo na ng kabataan, na “iconic” ang pagkakapanalo ng alkalde. Ayon sa kanila, si Mayor Natividad ay tunay na lider na nagsisilbi nang may malasakit at dedikasyon, lalo na sa kapakanan ng kabataan at mga sektor na nangangailangan.
“Kapag ang tunay na lider ay nagsalita, ang buong lungsod ay nakikinig—at buong pusong sumasang-ayon,” ani ng isang youth leader.
S a muling pagkakaluklok kay Mayor Natividad, umaasa ang sambayanan ng Malolos sa pagpapatuloy ng serbisyong may malasakit, inklusibong pag-unlad, at higit pang pagkakaisa para sa isang mas progresibong lungsod. (Latigo Reportorial Team)