ALYAS PYTHON, BAGMAN NI PCOL MIGUEL GUZMAN SA KOTONG GALING ILLEGAL NA PASUGALAN?

TARLAC – Maingay ngayon ang pangalan ni PNP Tarlac Provincial Director Col. Miguel Guzman matapos maisiwalat ang umano’y malawakang operasyon ng illegal na sugal sa lalawigan ng Tarlac at di-umano’y may basbas at proteksyon mula kay PD.

Isang nagpakilalang bagman na si alias Ricky Gonzales ang sinasabing pangunahing tagakolekta ng lingguhang “tara” mula sa mga pasugalan gaya ng monte at sakla sa mga bayan ng Tarlac, Capas, Concepcion, at maging sa Tarlac City. Ayon sa ulat, kalahati ng kinokolekta ni Gonzales ay ibinibigay sa isang alyas Python, na umano’y nagsisilbing ingat-yaman ni Col. Guzman.

Kabilang sa mga sinasabing gambling operators na nagbibigay ng lingguhang payola ay sina Jhay Chua, Arnel, Jerome, at Eugene. Umabot na raw sa higit 100 ang aktibong sugalan sa buong lalawigan, bukod pa sa mga nakatago sa likod ng mga ‘umbrella operations’ na pinatatakbo ng ibang operator.

Mariing kinukuwestyon ng taumbayan ang tila tahimik at ‘kampanteng’ pag-upo ni Col. Guzman sa kabila ng mga alegasyon. Lumalabas na tila “normal” na umano ang ganitong sistema sa ilang hanay ng kapulisan, ayon sa mga nagrereklamong mamamayan.

Maging ang ilang miyembro ng media ay isinasangkot na rin sa kolektong raket ni alias Gonzales, kung saan sinasabing pinipilit silang mangulekta ng limang libong piso kada linggo mula sa mga operator—isang bagay na mariing kinondena ng mga mamamahayag.

Ipinanawagan ngayon ng taumbayan sa mga nakatataas na opisyal, lalo na kay PNP Region 3 Director Police General Jean Fajardo, na magsagawa ng imbestigasyon at agad na aksyunan ang usapin.

Samantala, nananawagan rin ang mga sektor ng simbahan na hindi dapat palampasin ang paglaganap ng mga sugalan at korapsyon, na anila’y unti-unting nagpapalugmok sa mga mamamayan sa imoralidad at kahirapan.

Sa gitna ng mga akusasyon, inaasahang kakalampagin ng publiko ang mga kinauukulan upang magkaroon ng hustisya at linisin ang hanay ng kapulisan sa Tarlac.

A bangan ang mga susunod na ulat. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

ATTY. CHRISTIAN NATIVIDAD, WAGI PARA SA IKALAWANG TERMINO PAGKA-ALKALDE NG MALOLOS

PCOL MALINAO AT PCOL JACINTO, TAHIMIK KONTRA ILLEGAL GAMBLING?