ALYAS BEBET AGUAS TULOY SA PANGONGOLEKTA SA NGALAN NI PCOL QQUIMNO

METRO MANILA – Isang linggo matapos ang matapang na panawagan ng grupong Anti-Crime and Vice Crusaders (ACVC) para umaksyon si PCOL Marlon Quimno ng CIDG-NCR laban sa diumano’y talamak na extortion, jueteng, at ilegal na aktibidad sa Metro Manila, nananatili pa ring tikom ang tanggapan ni Quimno — dahilan upang muling magpahayag ng pagkadismaya ang grupo.
Samantala ay patuloy pa rin ang walang habas na pamimiga sa koleksyon diumano ni ALYAS BEBET AGUAS gamit ang diumano`y pangalan ni PCOL QUIMNO na ating kinalampag noong nakaraang linggo.
“HINDI ako kayang walisin, ako ang may hawak ng payola sa CIDG-NCR”. Pagyayabang diumano nitong si ALYAS BEBET AGUAS na nagpapakilala sa mga illegalista, PAIHI AT SUGAL LUPA na siya ang katiwaldas ng CIDG-NCR, na pinamumunuan ng butihing si PCOL MARLON QUIMNO.
Ayon sa pinakahuling reklamo sa atin ng ilang concerned citizens, patuloy pa rin umano ang operasyon ng mga establisyemento tulad ng King & Queen Club sa Pasay City, na sinasabing protektado ni alyas Bebet Aguas gamit ang pangalan ni Quimno. Bagamat mayroong mga sumbong at testimonya mula sa mga dating operator at insider ng mga peryahan at night clubs, tila hindi pa rin ito kinikilala ng CIDG-NCR bilang lehitimong banta sa integridad ng kanilang hanay.
“Sa halip na imbestigahan ang seryosong alegasyon, mistulang nanonood lamang ang pamunuan ng CIDG-NCR habang lumalalim ang ugat ng katiwalian. Ang katahimikan ni Col. Quimno ay lalong naglalagay sa alanganin sa tiwala ng publiko sa kapulisan,” ani ng tagapagsalita ng ACVC.
Kasabay nito, inanunsyo ng mga concerned citizen na sila ay lalapit na sa tanggapan ni Bagong PNP Chief PGEN NICOLAS TORRE III upang kalusin ang bata nitong si PCOL Quimno upang umaksiyon.
Lalapit din ang mga ito diumano sa mismong opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin upang pormal na ipaabot ang kanilang reklamo na nag-uugnay kay Bebet Aguas at PCOL Quimno sa diumano`y mga iligal na aktibidad na tila lantaran at walang takot sa batas.
Diumano ay lingguhang “padulas” ang tinatanggap ni Bebet mula sa mga operator ng jueteng at night clubs — ilan sa mga ito ay hinihinalang may koneksyon din sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Samantala, nananawagan ang ilang miyembro ng media at civil society groups sa CIDG-NCR na huwag hayaang mabalot ng pagdududa ang buong institusyon dahil sa iisang personalidad. Binigyang-diin nila na kung hindi totoo ang mga alegasyon, nararapat lamang na pabulaanan ito ng tanggapan ni Col. Quimno sa paraang bukas, malinaw, at may kongkretong aksyon.
Sa ngayon, abangan natin ang susunod na hakbang ng CIDG-NCR. Habang tumatagal ang pananahimik, lalong lumalalim ang hinala ng sambayanan. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

BULACAN, KINILALA SA PAMBANSANG ANTAS NG GAWAD SAKA 2025

PAYOLA SYSTEM MULA SA MGA GAMBLING OPERATOR, BUHAY NA BUHAY SA BATANGAS AT LAGUNA?

Leave a Reply