911 CALL, NAGLIGTAS SA 2 CHINESE NA DINUKOT AYON KAY GEN TORRE

Isang tawag sa 911 ang nagligtas sa dalawang Chinese nationals na biktima ng kidnapping-for-ransom ng kanilang kapwa Chinese, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas D. Torre III kahapon.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Parañaque City Police Station mula sa isang Chinese national na kaibigan ng biktima. Kaagad itong inirefer sa PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) na nagsagawa ng operasyon nitong Sabado sa isang casino-hotel sa lungsod. Natagpuan doon ang pangunahing biktima na ikinulong sa loob ng kuwarto nang ilang oras, at apat na suspek na pawang dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers mula China.

Kinilala ang mga naaresto na sina Li Yunhan, 30; Sha Jiwen, 35; Song Haiqing, 27; at Li Huigi alias “Li Huichi,” 42. Ayon sa imbestigasyon, nawalan sila ng trabaho matapos ipasara ng pamahalaan ang lahat ng POGO nitong Enero. Sa nasabing operasyon, natuklasan din na ang babaeng kasama sa kuwarto, na kinilalang si Jali Zhong, 19, ay isa ring biktima at hindi kasabwat ng grupo.

Ayon kay Brig. Gen. Glicerio C. Cansilao ng PNP-AKG, sinamantala ng biktima ang pagkakataong maibalik sa kanya ang cellphone upang kunwari ay ayusin ang money transfer, ngunit agad niyang nakontak ang kaibigan na tumawag sa 911.

Dagdag pa ni Gen. Torre, modus ng grupo ang mag-anyaya ng target sa casino para sa umano’y transaksyon, bago ito tutukan ng baril at ikulong sa ligtas na lugar o hotel room. Patuloy ngayon ang koordinasyon ng PNP sa Presidential Anti-Organized Crime Commission upang matukoy ang iba pang dating Chinese POGO workers na sangkot sa ganitong uri ng krimen. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

RMFB 4A, MAGANDA ANG PERFORMANCE SA LIDERATO NI PCOL SAMSON BELMONTE

MARCOLETA “MASTER CLASS” SA SENADO

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"