Mga katoto taong 1978 ng iniatang ang pamamahala sa inyong katotong PASKY ang Block Rosary Federation(BRF) Chapter No.12 at upang lubos na mapamahalaan ang naturang BRF ay nagbuo ang inyong katoto ng mga taong magmamalasakit at makakatulong na magaasikasong magpapanik kada Linggo sa mga bahay na nais madala ang larawan o imahen ng mahal birheng Maria (Ina ng Laging Saklolo) kung saan sa loob ng isang Linggo ay dadasalan ng Sto.Rosariyo bago ililipat ito sa ibang bahay hanggang tumagal ng 47 toang anibersaryo nitong Mayo 31,2025, kung saan ang BLOCK ROSARY FEDERATION CENTER No.12 ay nasa ilalim ng Parokya ng Sto. Nino Paris Center, Tundo Maynila.
Kaya naman sa tulong una si Lord God at ng mga katotong kaibigan kamaganak at pamilya ay nagkakaisang naidaraos ang taunang anibersryo nito ng maayos at tagumpay na naipagdiriwang, kung saan ay nagkasundo kami ng aking inaanak na si Brgy. Kagawad Richy Canlas na siya namang namamahala ng Sta. Kruz De Mayo sa aming Brgy. 85 Sona 7 District
Maituturing na isang panata ang nangyari sa ginampanan kung tungkulin na iniaatang sa akin ng aming Kura Paroko ng Sto. Nino Parish Council. Kung saan ay patuloy na tinangkilik hanggang sa unti-unting natulungan namin ang bawat pamilyang matutunang magdasal ng Sto. Rosario sa aming kumyunidad.
Simula nitong Taung 2025, sinimulan na naming pagisahin ang taunang anibersaryo BRF CENTER #12 at Sta. Kruz de Mayo, tuwing buwan ng Mayo at hindi na Abril tulad noong dati, kung saan pinasasalamatan ng inyong katoto ang mga kaibigang walang sawang tumutulong lalo na pagdating sa pinansyal sa tuwing sasapit ang anibersayo gayon din ang mga katotong kasabyang nakasama simula noong 1978 na buong pusong nagmalasakit at matiyagang naglilingkod ng bolintaryo para kay MAMA MARY in Mighty Jesus name, amen.
Ang mga opisyales ng BRF # 12 kabilang ang maybahay ni katotong BRF President Pasky Natividad si Lourdes at Vice President Lolita Jawis, ikatlo sa unang hanay sa kanan, kasama ang larawan ang imihen ni MAMA MARY. Pasky Natividad