37K PULIS PARA SA MAS LIGTAS NA PAGBUBUKAS NG KLASE SA HUNYO 16 – PNP

MANILA – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na magpapakalat sila ng humigit-kumulang 37,000 pulis sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 16.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang panayam sa radyo nitong Sabado, palalakasin ng mga unipormadong pulis ang kanilang presensya sa mga lansangan at lugar na malapit sa mga paaralan upang magbigay ng tulong at seguridad sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro.

Nakahanda na tayo. Mahigit mga 37,000 police officers ang idedeploy natin,” ani Fajardo.

Magkakaroon din ng mga police assistance desk, mobile patrol, at foot patrol sa mga matataong lugar upang agad na makaresponde sa anumang insidente.

Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre, magsisilbing pagsubok sa mabilis na tugon ng kapulisan ang pagbubukas ng klase. Isa rin umano sa kanyang direktiba ang pansamantalang pagsasara ng mga police box at community precincts upang mas mapalawak ang police visibility sa mga lansangan at komunidad.

Layunin ng hakbang na ito na paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad at tanggalin ang mga banta sa seguridad ng mamamayan.

D agdag pa ni Torre, ang kanyang programa ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lamang pagandahin ang crime statistics kundi higit sa lahat, maramdaman ng taumbayan ang tunay na kaligtasan sa kanilang kapaligiran. (Latigo Reportorial Team)

BULACAN, PORMAL NA INILUNSAD ANG PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE ENVIRONMENT MONTH

ALYAS RICKY GONZALES AT ALYAS BRENDON, NANGONGOLEKTA SA NGALAN NI PD GUZMAN!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"