359 MILYONG SUBSTANDARD NA FLOOD CONTROL PROJECTS SA BULACAN, BINATIKOS NG COA

Muling umalingawngaw ang isyu ng katiwalian at kapabayaan sa paggamit ng pondo ng bayan matapos ibulgar ng Commission on Audit (COA) ang umano’y P359 milyong halaga ng substandard na flood control projects sa Bulacan. Sa ulat nitong Oktubre 10, tinukoy ng COA ang ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi umano tumugma sa mga itinakdang pamantayan—may mga bitak, kulang sa dokumento, ginamitan ng hindi angkop na materyales, at higit sa lahat, itinayo pa sa maling lokasyon.

Ang mga proyektong ito, kabilang ang mga flood control structures sa mga bayan ng Baliuag, Pandi, at Balagtas, ay nagkakahalaga ng milyon-milyong piso na dapat sana’y nagsilbing proteksyon ng mga mamamayan laban sa baha. Sa halip, naging simbolo ang mga ito ng kapabayaan at posibleng katiwalian sa pamahalaan.

Ayon sa COA, ilan sa mga opisyal ng DPWH-Bulacan District at mga kontratistang nakasangkot ay maaaring harapin ang kasong graft, malversation, at falsification of documents. Kung mapapatunayan, ito ay malinaw na paglabag sa tiwala ng taumbayan at isang insulto sa mga Pilipinong nagbabayad ng buwis.

Hindi na bago ang ganitong mga isyu. Ngunit sa bawat ulat ng COA, tila walang malinaw na pananagutan. Kailangang maging matatag ang mga ahensyang namumuno sa imbestigasyon, partikular ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), upang matiyak na mananagot ang mga sangkot.

Hindi sapat na basta ilabas lamang ang ulat. Dapat itong magsilbing mitsa ng tunay na reporma sa pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastruktura. Sapagkat sa bawat pisong ninanakaw, buhay at kaligtasan ng mamamayan ang isinusugal.

Ang panawagan: hustisya, pananagutan, at tunay na serbisyo. Huwag hayaang malubog sa putik ng katiwalian ang pondong dapat ay panangga sa baha. (Nik Bendana)

Spread the love

TUKLASIN NATIN ! OCTOBER 13, 2025

ZERO POVERTY PH 2030, IPINAKITA ANG LAKAS NG PAGTUTULUNGAN UPANG LABANAN ANG KAHIRAPAN!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"