10 PRIORITY BILLS NI SENATOR MARCOLETA

MANILASimula na ng aktibong pagtupad ni Senador Rodante Marcoleta sa kanyang pangako sa bayan, kasabay ng kanyang paglalatag ng mga pangunahing panukalang batas na layong tugunan ang mga batayang pangangailangan ng mamamayang Pilipino—mula sa abot-kayang kuryente hanggang sa mas maayos na kinabukasan para sa mga magsasaka, kabataan, at mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Isa sa mga pangunahing layunin ng senador ay ang pagpapagaan ng gastusin sa kuryente, kung saan isinusulong niya ang pagtanggal ng Value-Added Tax (VAT) sa kuryente. Ayon sa kanya, “Hindi dapat pabigat ang kuryente sa bawat pamilyang Pilipino.” Bukod dito, nais din niyang palawakin ang Lifeline Rate Subsidy Program upang libre na ang bayad sa kuryente ng mga sambahayang kumukunsumo ng hindi hihigit sa 135 kWh bawat buwan.

Para naman sa mga gumagamit ng LPG, inilatag ni Marcoleta ang panukalang automatic pricing mechanism upang matiyak na makatarungan at makatwiran ang presyo ng LPG, na malaking bahagi ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

Hindi rin niya kinalimutan ang kalikasan sa kanyang panukalang batas na “Kuryente Galing Basura”—isang makabagong solusyon na magpapalakas sa produksyon ng enerhiya habang sabay na tinutugunan ang problema sa basura.

Sa pagsuporta sa mga batayang institusyon ng pamahalaan, nais ni Marcoleta ang pagtatatag ng Barangay Affairs and Development Commission sa ilalim ng DILG. Layunin nito ang mas maayos na pamamahala at kaunlaran ng mga barangay, sapagkat para sa kanya, “Bida ang Barangay!”

Hindi rin kinalimutan ng senador ang edukasyon at agrikultura. Nais niyang isulong ang pagkakaroon ng Hardin sa Paaralan upang mahikayat ang kabataan sa pagtatanim at pagpapalakas ng lokal na agrikultura. Kasabay nito, itinutulak din niya ang scholarship program para sa mga kursong may kaugnayan sa agrikultura, partikular na para sa mga anak ng mga magsasaka at mangingisda.

Para sa direktang suporta sa mga magsasaka, isinusulong ni Marcoleta ang libreng abono at pestisidyo, upang mapagaan ang kanilang gastusin sa produksyon at mapalakas ang ani.

Hindi rin nalilimutan ni Marcoleta ang mga bagong bayani ng bayan—ang ating mga OFWs. Nais niyang likhain ang isang Overseas Filipino Workers Retirement System, na magbibigay ng sapat na pensyon at seguridad para sa kanila sa kanilang pagtanda.

Sa huli, naninindigan si Senador Marcoleta para sa karapatan ng mahihirap laban sa sapilitang pagpapalayas. Sa kanyang panukala, bibigyang exemption ang mga walang kakayahang magbayad ng supersedeas bond, na karaniwang nagiging balakid sa pananatili sa kanilang tirahan.

Sa kabuuan, ang mga panukalang ito ay sumasalamin sa isang makatao, makabayan, at progresibong pamumuno. Isa itong patunay na ang tunay na layunin ng panunungkulan ni Senador Marcoleta ay serbisyong totoo para sa bawat Pilipino. (Latigo Reportorial Team)

PAGKILALA, AT PAGMAMALASAKIT SA LGBTQIA+

BULACAN, PANGATLO SA PINAKALIGTAS NA LALAWIGAN SA BUONG PILIPINAS NGAYONG 2025!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"