MARCOLETA SA NUEVA ECIJA!

CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA — Dumalo si Senatorial aspirant Rodante Marcoleta sa Proclamation Rally ng Team Malayang Cabanatuan na pinangungunahan ni Doc Anthony Umali, tumatakbong alkalde ng lungsod, noong ika-29 ng Marso 2025.
Sa harap ng mga taga-Cabanatuan, buo ang paninindigan ni Marcoleta sa panawagan para sa tunay na pagbabago. Aniya, kung nais talaga ng sambayanan ng pagbabago, kinakailangan nang magluklok ng mga bagong lider na may tuwid na hangarin at malasakit sa bayan.
Sa kanyang talumpati, pabirong tinanong ng kandidato kung kinakailangan pa bang kumanta at sumayaw siya para lamang manalo sa Senado.
“Sikat po silang lahat, magagaling po silang gumawa ng pelikula, pero sa tunay na buhay, kahit isang libong direktor ang meron sila, hindi po sila makakagawa ng …. Lalong-lalo hindi nila magagawa kung paano [gumawa] ng batas” ani ni Marcoleta
Binigyang-diin din ni Marcoleta ang kahalagahan ng hustisya at ang kalayaan ng hudikatura sa bansa. “Ang atin pong hustisya, ang ating hukuman ay malaya, bukas, gumagana.
Umaandar ang ating mga hukuman magmula sa pinaka-mababa hanggang sa Kataas-taasang Korte Suprema,” aniya.
Nanindigan si Marcoleta na ang sinumang lumabag sa batas ay nararapat lamang litisin, usigin, at hatulan batay sa umiiral na batas ng bansa.
“Kung nagkasala po ang isang Pilipino, litisin po natin, usigin po natin, hatulan po natin sa pamamagitan ng batas ng ating bansa!”
Patuloy ang kampanya ni Marcoleta sa iba’t ibang panig ng bansa upang maiparating sa mamamayan ang kanyang adbokasiya para sa makatarungan, makabayan, at makataong pamahalaan. (Latigo Reportorial Team)

PCUP CHAIRMAN, PINABULAANAN ANG ALEGASYON NI TULFO

PONDO SA KAMPANYA NI GOV. GUICO III GALING SA GAMBLING MONEY?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"