LUNGSOD NG MALOLOS – “As we move forward, I look forward to strengthening our partnership with the Provincial Government of Bulacan, and all the stakeholders in advancing a more inclusive and competitive local economy. Together, we can foster sustainable growth and innovation that benefits every Bulakenyo. “
Ito ang naging pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina A. Roque sa diyalogo kasama ang mga Bulakenyong Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa isinagawang “DTI Goes to the Regions” Caravan sa bakuran ng Kapitolyo ng Bulacan kahapon.
Tinalakay ni Sec. Roque ang mga pangunahing hamon na kinahaharap ng mga MSMEs, at inilahad ang mga inisyatibong bahagi ng mandatong pangpangulo para sa kanilang pagpapaunlad. Kabilang dito ang digitalisasyon para sa mas malawak na merkado, diversipikasyon upang mapalakas ang kompetisyon, at pinabilis na pagpopondo para sa mas madaling pag-access sa pautang at pagpapalawak ng negosyo.
“Dapat nating samantalahin ang mga programang hatid ng DTI para sa buong bansa at sa inyong rehiyon. Kaya tayo may caravan, upang personal naming maiparating ang mga programa para sa bawat sektor ng MSMEs, pati na rin sa malalaking negosyo,” dagdag pa ng kalihim.
Ibinahagi rin ni Atty. Jayric L. Amil, pinuno ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office, ang mga kasalukuyang proyekto ng pamahalaang panlalawigan gaya ng Go Koop Program, Tatak Bulakenyo, Integrated Applied Management for MSEs (IAM MSE Program), Go Asenso, Negosyo Caravan, at iba pang inisyatiba tulad ng Enterprise Capacity Building, Bayanihang Bulakenyo Financing Program, Technical and Management Assistance, Marketing and Promotion sa pamamagitan ng Bulacan Pasalubong Center, TOP Philippines Hub, Trade Fair at Exhibits, at Product Development sa tulong ng Bulacan Packaging Service and Toll Packaging Center.
Nagbahagi rin ng proyekto si Corina T. Bautista, pangulo ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI), kabilang ang Trees For Life Project, Adopt-a-Chamber Program, Bulacan Food Fair and Exposition (BUFFEX), Invest Bulacan Summit 2024, at ang pagkilalang Most Outstanding Bulacan Businessmen para sa taon.
Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Provincial Administrator Antonia V. Constantino, mga opisyal ng DTI kabilang sina Chief of Staff at Assistant Secretary Englebert Josef G. Chua, Undersecretary Joee Guilas, DTI Regional Operations Group Undersecretary Blesila A. Lantayona, Assistant Secretary Domingo R. Tolentino, Jr., Assistant Secretary Nylah Rizza D. Bautista ng DTI Competitiveness and Innovation Group, DTI Small Business Corporation President and CEO Robert C. Bastillo, Assistant Secretary Atty. Agaton Teodoro O. Uvero ng DTI Fair Trade Group, Director Atty. Regino D. Mallari, Jr. ng Fair Trade Enforcement Bureau, PCCI Regional Governor Cristina C. Tuzon, at BCCI President Corina T. Bautista.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, hangad ng DTI at ng pamahalaang panlalawigan na mas mapalakas pa ang lokal na negosyo at ekonomiya sa lalawigan ng Bulacan. (Latigo Reportorial Team)
