Higit 1,600 Patay sa Matinding Lindol sa MYANMAR

Mandalay, Myanmar – Higit 1,600 katao ang nasawi at libu-libo ang nawawala matapos yanigin ng 7.7 magnitude na lindol ang Myanmar noong Biyernes.
Maraming gusali ang gumuho, kabilang ang imprastraktura tulad ng paliparan sa Mandalay. Dahil sa limitadong opisyal na pagtugon, ang mga residente mismo ang nagsasagawa ng pagsagip gamit lamang ang kanilang mga kamay at simpleng kagamitan, habang patuloy ang panganib ng aftershocks at matinding init.
Nagpadala na ng tulong ang iba’t ibang bansa, kabilang ang India, China, Russia, at Thailand, ngunit nahaharap ang mga relief efforts sa malaking hamon dulot ng patuloy na digmaang sibil sa bansa.
Maraming lugar ang hindi pa naaabot ng mga rescuers, at lumiliit ang tsansa ng buhay para sa mga natrap sa guho. Sa gitna ng trahedya, nananawagan ang international community ng tigil-putukan upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa mga nangangailangan. (Sabrina Ramirez)

Spread the love

CIDG NABS QUARRY MANAGER, SEIZES LOOSE FIREARMS IN BATANGAS

PCO at CICC, Nagkaisa Laban sa Fake News