MALAYANG MEYCAUAYAN, ISUSULONG NI MARIPOSA

Meycauayan, Bulacan — Patuloy na lumalakas ang suporta para kay Mariposa Cabigquez sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Meycauayan. Sa kabila ng mahigpit na labanan sa politika, maraming residente ang nagpapahayag ng kanilang tiwala at kumpiyansa sa kanyang kakayahan bilang “public servant” dahil subok na nila ito bilang konsehal sa nasabing lungsod.
Sa iba’t ibang barangay at komunidad, kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap kay Cabigquez sa tuwing siya ay nagsasagawa ng pangangampanya. Ayon sa ilang tagasuporta, ang kanyang pagiging malapit sa masa at maayos na paglilingkod bilang konsehal ng lungsod ang dahilan kung bakit marami ang sumusuporta sa kanya. Dagdag pa riyan ang pagnanais ng mga Meycauayeño na magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang lungsod pagdating sa mamumuno.
Bukod sa personal na koneksyon sa mga mamamayan, tinatangkilik din ang kanyang mga adbokasiya na nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, kabuhayan, at seguridad sa lungsod.
Itinatampok din niya ang pangarap na magkaroon ng isang MALAYANG MEYCAUAYAN — isang lungsod na malaya sa takot, kahirapan, at katiwalian.
Habang papalapit ang araw ng halalan, inaasahang magpapatuloy pa ang paglakas ng suporta ng iba’t ibang sektor kay Mariposa.
Sa kasalukuyan, malinaw ngayon na paborito si Mariposa para sa pagka-alkalde sa nasabing lungsod.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MAS MAUNLAD NA IKAANIM NA DISTRITO, ISUSULONG NI JAD RACAL

COLOR GAME AT DROP BALL, NAGLIPANA NA NAMAN SA PANGASINAN!