MABILIS AT SEGURADONG REMITTANCE, HATID NG PAGSASANIB NG BDO AT SEVEN BANK

Mas pinadali at pinabilis ang pagpapadala ng pera ng mga Overseas Filipinos sa Pilipinas sa pamamagitan ng matibay na partnership ng BDO Unibank, Inc. at Seven Bank ng Japan. Dahil dito, maraming OFW ang nakakaranas ng maayos at mabilis na serbisyo sa remittance.
Isa sa mga nakinabang sa serbisyong ito si Arianne Matucading, isang sales executive sa Japan sa loob ng 11 taon. Ibinahagi niya ang kanyang magandang karanasan sa paggamit ng Seven Bank para magpadala ng pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
“Simple at stress-free na ang pag-send sa family ng kinita ko. Noong kailangan kong magpadala para sa hospital bills, agad akong nakapag-transfer dahil sa maayos na serbisyo ng Seven Bank. Mabilis din nilang nakuha ang pera sa BDO, kaya napaka-dependable nila, lalo na sa emergencies,” aniya.
Ganito rin ang pananaw ni Den Mojica, isang customer service officer sa Japan. Pinuri niya ang kakayahan ng Seven Bank app sa pagpapadala ng pera at ang pagiging accessible ng BDO sa Pilipinas.
“Napaka-reliable ng app ng Seven Bank at very accommodating ang staff nila. Kahit limitado ang access sa ATM ng mga kamag-anak ko sa Pilipinas, madali nilang nakukuha ang padala ko dahil sa cash payout services ng BDO,” ani Mojica.
Ayon kay Genie T. Gloria, Senior Vice President at Head ng Remittance ng BDO, malaking hamon dati para sa mga Overseas Filipinos sa Japan ang paglabas sa trabaho para lamang makapagpadala ng pera.
“Game changer ang partnership namin with Seven Bank, dahil 24/7 na silang makakapag-remit gamit ang app nila o alinman sa kanilang 27,000 ATMs sa Japan,” paliwanag niya.
Samantala, pinuri rin ni Seven Bank President at Representative Director Masaaki Matsuhashi ang BDO sa pagiging maaasahan nito sa pagpapadala ng pera.
“Sa industriya ng remittance, may mga pagkakataong nabibigo ang pagpapadala ng pera. Ngunit sa BDO, lahat ng transaksyon ay matagumpay na natatanggap ng mga beneficiaries, at ito ang isa sa kanilang pinakamalaking kalakasan,” aniya.
Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng BDO at Seven Bank, mas pinasimple at pinabilis ang proseso ng remittance para sa mga Overseas Filipinos, na nagdudulot ng mas malaking ginhawa at seguridad sa kanilang pagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

RICKY BUENAVENTURA, PRAYORIDAD ANG SERBISYONG MALAPIT SA TAO!

MAYORS AT COP SA TARLAC, KUNSINTIDOR NG SAKLA AT PATULO?